Advertisers

Advertisers

LUPIT NG SEVERE TYPHOON KRISTINE

0 24

Advertisers

Umabot na sa mahigit 100,000 katao mula sa Albay ang inilikas patungo sa mga evacuation center sa gitna ng mga pagbahang dulot ng bagyong Kristine, ayon kay Albay Acting Governor Glenda Bongao.

Marami sa mga residente, ay nabigla sa biglaang pagbaha lalo na sa mga lugar sa Albay na hindi dati inaabot ng tubig-baha.



Marami rin sa mga ito aniya ay nagpakampante kaya’t hindi na lumikas bago pa man ang pagbagsak ng malakas na ulan.

Ayon naman kay Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office officer-in-charge engineer Dante Baclao, huling nakaranas ang probinsya ng Albay ng kahalintulad na ulan at pagbaha, 55 taon na ang nakakalipas.

Di lamang sa Bicolandia nanalasa ng halos 24- oras ang bagyo na may international name na tropical storm Trami kundi sa mga probinsiya sa Central,Northern at Southern Luzon at sa buong NCR.

As usual,ang PERINNIAL problem ng pagbabaha ang primary concern ng pamahalaan sa lahat ng lugar na dinaanan ng super typhoon Kristine.

Ang pagbabaha rin dulot ng malakas na pagbuhos ng walang tigil na ulan ang naging pangunahing sanhi o rason ng delays sa rescue and relief operations.



For the very first time,hindi po tayo gagawa ng pagpuna o pagbatikos sa naging aksyon ng pamahalaan sa pagresponde sa sitwasyon dahil mas kinakailangang ng buong bansa ng pagtutulungan at pagkakaunawaan sa gitna ng malaking pagsubok na kinakaharap ng ating mga kababayang naging biktima ng typhoon Kristine.

Ayon sa Office of Civil Defense, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi na umaabot na sa 30 as of this writing.

Nakikidalamhati at nakikiramay po ang inyong abang lingkod sa mga residente ng Albay na naging biktima ng trahedyang naganap.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com