Advertisers

Advertisers

MAWALANG GALANG PO, KASALANAN NATIN ANG LAHAT NG ITO

0 27

Advertisers

OKTUBRE 27, 2024 sinalanta tayo ng bagyong Kristine. Maraming kababayan ang hindi nakaligtas sa malawakang pinsala, partikular sa Bicol at Hilagang Luzon na nakaranas ng pagbaha at pagkitil ng buhay. Hindi maganda ang salubong ng Kristine sa parating na Undas at tulad ng Halloween, ito ay nagdulot ng lagim. Katha ng komersiyalismo ang Halloween, pero si Kristine tunay na tunay. Ang dala nitong lagim aya naukit na sa alaala natin.

Maraming dahilan kung bakit humantong sa ganito. Ang bansa natin ay nasa tinaguriang “typhoon alley” na malimit sa hindi, ay dinadaanan ng mga pinakamalakas na unos sa buong planeta. Nakadagdag ang walang habas na pagputol ng mga punongkahoy at patuloy na pagnipis ng ating kagubatan at pagpalit dito ng mga gusali at senentadong kapatagan. Idagdag natin ang pagsikip ng pagdaloy ng mga ilog papunta sa dagat ang sanhi ng pagbaha. Opo, lahat ng mga ito ay kuprito. Huwag tayong magmalinis dahil may kasalanan ang bawat isa sa atin dito.

Napakalaking bagay ay ang tamang pagpili ng namumuno sa bansa kahit biglang tumahimik kayo. Pakinggan ninyo muna ako. Ang mapunong kabundukan, malawak na ilog at kapatagang mayabong ay pwang napalitan ng sementado at kalbong bundok kapag ang namuno ay nasilaw sa pilak. Kung ang naluklok ay hindi nasilaw sa kinang ng pilak, suhol, at impluwensya ng mga nagtayo ng gusali sa mga watershed at waterways na umiipit sa daloy ng tubig, hindi mangyayari ang ganitong sakuna.Mawalang galang po kasalanan natin ang lahat ng ito.



Kaya iniiwan ko po sa inyo ang katanungan: Sawa na ba kayo sa kalalagyan na ito? Sawa na ba kayo na taun-taon may kalamidad? Sawa na ba kayo na sa tuwina’y sinasalubong tayo ng trapo, na mas iniintindi ang photoops habang nakangiting namimigay ng ilang sardinas at isang kilong bigas sa nasalanta? Nararapat na ang nais magsilbi sa pamahalaan bilang halal ng bayan ay nararapat mula barangay tanod hanggang pangulo ng bansa ay sumailalim sa civil service examination at psychological testing.

Hindi ka maaaring mahalal kung wala ang dalawang bagay na ito. Inuulit ko, malaking bagay ang pumupili tayo ng namumuno na tapat at matino. Napakalaking bagay ang tamang pagpili sa mamumuno. Kung hindi para tayo nakasakay sa tsubibo, paikut-ikot, hanggang sa malula, hanggang sa masuka. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

SA hearing ng Senado, malayong malayo ang anyo ni Apollo Quiboloy sa imahe sa telebisyon, kung saan nagmistula siyang bagong baba mula sa langit at binabalot siya ng aura ng kabanalan. Fast-forward tayo. Sa halip nagisnan ang imahe ng isang taong bagong baba mula sa piitan at ibang-iba na itsura ni Quiboloy ngayon. Habang binabantayan ng mga anghel o kerubim. Bagkus, nandiyan ang mga kasapi PNO, NBI, at Office of the Sergeant-at- arms, sa Senado.

Ang imahe niya ay isang pagod na pusakal – matanda at gusgusin, nakasimangot, at larawan siya ng isang nasukol. Salaysay ng ilang sumanib sa kulto kung paano sila na “brainwashed” at sa kalaunan, naging biktima ng isang hayok na pastor ng kanyang kamunduhan. Nagsalita ang isang Filipina na nakabase sa Ukraine na nagsilbi bilang inner-pastoral an mga babae na naging “sex slave.” Ang tanong: Paano gumawa ng taong ito ang manghalay ng humigit-kumulang 200a kababaihan na marami sa kanila ay mga menor de edad?



Simple ang dahilan: Maliban sa mga nasa poder ng kanilang magulang na sumapi sa kulto ni Quiboloy, ang mga biktima ay dinala sa kulto ng kanilang magulang na kadalasan ay hiwalay o sumakabilang-bahay, o galing sa isang “broken family.” Sinamang palad sila at napunta sa kulto ni Quiboloy. Ang nakakagalit, ginamit ni Quiboloy ang kahinaan ng mga biktima niya. Tinakot at pinagsamantalahan sila ni Quiboloy. Salamat kay Poong Kabunian, nagwakas ang kasamahan niya at kahit ang lahat ay naging ” in-aid-of-legislation,” hindi na mauulit ang impiyerno.

***

NAGPAPAWIS ang mga singit ng dalawang senador (pawis nga ba?) dahil nadawit ang pangalan nila sa Quad Com hearing ng Camara de Representante. Sila ay si Bato dela Rosa at Bong Go. Idinawit sila ni Royina Garma sa isang sinumpaang salaysay. Nalaman mula sa Quad Com hearing na sangkot sila sa “Oplan Double Barrel” ni Rodrigo Duterte. Si Bato ang nagpatupad ng mga EJK at si Bong Go bilang tagmudmod ng mga “bonus” o pabuya sa mga miyembro ng PNP. Pinatotoo ito ni P/Col. Edilberto Leonardo. Nakakatawa ang gusto ni Bato na gumawa ng sariling Senate hearing sa pagkasangkot niya sa EJK kahit hindi ito pinansin ng Senado. Kahit ang ibang kasapi ng Quad Committee ay naging kaalyado ni Duterte, nagpapasalamat ako na mas matimbang ang pagmamahal nila sa Bayan kaysa sa isang masamang tao. Kumbaga kay San Pablo, nasasaksihan nating lahat ang isang epipanyo.

***

mackoyv@gmail.com