Advertisers
ISANG magandang achievement o’ tagumpay ang naipamalas ng Dasmariñas City in Cavite nang makuha nito ang estado na Stable Internal Peace and Security (SIPS) status.
Patunay ito na maging ang Cavite ay nagsusumikap na makamtan ng kanilang bayan ang kapayapaan. Walng nanggugulo at namemeste sa mga mamamayan nito ng mga walng magawang maganda na mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Resulta rin ito ng sama-samang pagsisikap ng local government, security forces, at stakeholders sa lugar partikular na sa Lupang Ramos kung saan unang nailatag ang pundasyon ng kapayapaan.
Iginagawad ang SIPS, kung ang kagayan ng isang lugar ay mapayapa na at malaya na sa panggugulo ng mga komunistang-terorista.
Nagpapakita ang lugar na idineklarang SIPS na wala ng kaguluhan, armadong bakbakan at may nailatag na mekanismo upang daanin ang di pagkakaintidihan sa mapayapang harapan o’ usapan.
Nagbibigay daan kasi ito sa mas ligtas na kapaligitan at nagbubukas sa pag-yabong ng kabuhayan o’ kalakalan at mahusay na pagbibigay ng mga social services.
Malaki ang Cavite, binubuo ito ng walong city at 16 na munisipalidad. Ngayong ang Dasmariñas ay ‘certified SIPS’ na, lahat ng city nito ay ganun na rin, dahil nauna ang Carmona City na makamit ang SIPS.
Walang ibang makikinabang dito kung di ang mga Caviteño at siyempre lahat ng mga bibisita sa probinsiyang ito. Mapa-turista, mangangalakal o’ mga nais magnegosyo sa lugar.
Kapag mapayapa talaga ang isang lugar o’ probinsiya, malayang nadadama ang kaunlaran.