Advertisers

Advertisers

HINDI KAILANGAN NG ‘ENABLING LAW’

0 23

Advertisers

HINDI kailangan magpasa ng Kongreso ng isang enabling law, o batas na magpapatupad ng probisyon ng Konstitusyon laban sa mga dinastiyang pulitikal. Maaaring ibawal ang mga dinastiyang pulitikal kung maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng isang utos na nagbabawal sa anak, asawa, o magulang (immediate family members) na tumakbo upang pumalit sa isang nakaupong halal na lingkod bayan.

Ito ang buod ng petisyon na iniharap noong isang linggo sa Comelec ng ANIM, isang grupo ng mga obispo ng Simbahang Katoliko, retiradong heneral ng Sandatahang Lakas, mangangalakal, lider ng civil society, at aktibista. Pinamumunuan ni Alex Lacson, isang manananggol, ang ANIM. Layunin nito na wakasan ang pang-aabuso sa kontra dinastiya probisyon ng ng mga naglipanang pamilya pulitikal sa bansa.

“Kailangan buksan ang sistemang pulitikal ng bansa hindi lang sa mga malalaking pamilya kahit sa mga ordinaryong mamamayan na may kakayahan na mamuno ng maayos para sa bansa,” ani Lacson bilang paglilinaw sa layunin ng ANIM.” Hindi lang ang mga malalaking pamilya ang may karapatan na mamuno sa bansa.”



Iniharap ni Lacson at ANIM ang petisyon sa Comelec laban kay Rodrigo Duterte, Matthew Manotoc, Martin Romualdez, Cynthia Villar, Peter Cua, at iba pang kandidato na may mga malalapit na kamag-anak sa tumatakbo sa halalan sa 2025. Kasama ni Lacson na lumagda sina Bishop Gerardo Alminaza, Bishop Jose Bagaforo, Maj. Gen. Wilfredo Franco (ret.), P/Brig. Gen. Noel delos Reyes (ret.), Col. Guillermo Cunanan (ret.), Capt. Roberto Yap (ret.), at Luisito Diez Redoble.

Sa kanilang petisyon, itinanong ni Lacson at iba pang kasama sa ANIM ang mga sumusunod:

“Is the spouse, child, parent or sibling (immediate family members) of an incumbent but graduating Mayor or Governor prohibited and DISQUALIFIED from running for the same elective positions to replace and succeed their incumbent relatives?

“Are they disqualified under Article X, Section 8 of the 1987 Philippine Constitution, in relation to Article II, Section 26 thereof?

“Is the spouse, child, parent or sibling (immediate family members) of an incumbent but graduating Congressman or District Representative prohibited and DISQUALIFIED from running for the same elective position to replace and succeed their incumbent relative?



“Are they disqualified under Article VI, Section 7 of the 1987 Philippine Constitution, in relation to Article II, Section 26 thereof?

“Many of the incumbent Mayors, Governors, and District Representatives and their families have CONTINUOUSLY occupied the same elective posts for more than 15 years, some for more than 20 years.

“Are they not CLEARLY AND PLAINLY political dynasties, and therefore already covered by the constitutional prohibition against political dynasties under Article II, Section 26?

“Is legislation from Congress still necessary to declare these political families as political dynasties since they are CLEARLY AND PLAINLY political dynasties?”

Ayon kay Lacson at mga kasama:

Ayon sa petisyon, hindi layunin ng Saligang Batas na hayaan ang mga nakaupong halal ng bayan na ipasa ang kanilang posisyon sa malapit na kamag-anak tulad ng asawa, anak, at magulang. Bagkus layunin ng Konstitusyon na bigyan ng pagkakataon ang sinumang kwalipikadong mamamayan na umugit ng poder batay sa posisyon na hihingin niya sa bayan.

Ipinaliwanag ng ANIM na malinaw ito sa layunin ng mga bumalangkas sa Saligang Batas noong 1986. Binanggit niya ang mga sinabi ni Commissioner Christian Monsod na marapat lang na pigilin ang mga pamilyang pulitikal na dominahin ang mga elective post sa bansa.

Ayon sa ANIM: “It was the clear intention of the framers of the 1987 Philippine Constitution that when they adopted Article X, Section 8, they clearly wanted to prevent the incumbent but graduating local officials from transferring or passing on the elective local posts they occupy to the members of their family, meaning to their spouse, children, parents or siblings.“

Ikinatwiran ng ANIM na kinilala ng mga gumawa ng Saligang Batas ng 1987 na pagbawalan ang mga asawa, kapatid, at magulang ng mga nakaupong halal ng bayan na manahin ang posisyon ng huli sa sandaling matapos ang tatlong termino, ngunit naging kaugalian sa nakalipas na tatlong dekada ang kabaligtaran. Ayon sa ANIM:

“The present practice or norm today where graduating governors or mayors make the members of their family run to replace and succeed them is a clear circumvention of the constitutional provisions in Article X, Section 8 in relation to Article II, Section 26. The clear intention of the framers of the 1987 Philippine Constitution was to prevent the scenario where public offices are being inherited by members of political families.”

Binigyang diin ng ANIM na ang mga pahayag ng mga commissioner ang batayan upang ideklara ang diskwalipikasyon na manahin ng mga anak, asawa, at magulang ang posisyon ng mga halal ng bayan na matatapos ang mga termino. Hiningi ng ANIM na maglabas ng order ang Comelec batay sa probisyon ng Saligang Batas kontra political dynasty.

***

MGA PILING SALITA: “SOMEBODY called the Senate Blue Ribbon Subcommittee probing Gongdi’s war on drugs as the WHITEWASH COMMITTEE.” – PL, netizen, kritiko

“GONGDI sounds like a broken record on his war on drugs. Nothing new. Nothing important. Nothing noteworthy. Walang kwenta.” – PL, neizen, kritiko

“MALINAW. Hindi dapat pagtiwalaan ang imbestigasyon ng Senado. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga senador. Malinaw na malinaw.” – Joe Alugbati, netizen