Advertisers

Advertisers

WORLD CLASS DRAGONBOAT PADDLERS NASA PUERTO PRINCESA NA!

0 10

Advertisers

PUERTO PRINCESA CITY-Nagsidatingan na ang mga delegasyon ng mga bansang kalahok sa ICF Dragonboat World Championship na sasagwan dito sa Baywalk ng lungsod sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation president Len Escollante, nasa 27 bansa ang kumpirmadong kalahok sa naturang qualifying event sa World Games sa China sa susunod na taon, Kabuuang 52 events ang pagtutunggalian ng 1,400 paddlers na magpapakitang gilas sa tubigan malapit sa baybayin ng Puerto Princesa.

Pinakamalaking bilang ng mga dayuhang mananagwan ang India na may 140 world caliber paddlers.



Ang Iran ay may 63, China (18), Ukraine (30), Singapore ay nagpadaåa ng 74, US(30), Thailand (87)at iba pa.

Ang Philippine national team ay ang pinakamaraming bilang ng atleta na umabot sa 200 paddlers dahil sa pagiging punong-abala..

“ Sa ngalan ni Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron,we all warmly welcome international dragonboat athletes, coaches, afficionados, media, sports officials among others here in the famous city of Puerto Princesa. To our participating athletes,show your wares and win according to your performance and enjoy the well -known international hospitality and scenery of Puerto Princesa City” , wika ni Escollante.

Huling humakot ng gintong medalya ang Pilipinas Dragonboat team noong 2016 sa Atlantà, Georgia USA. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">