Advertisers
NAGWAKAS na rin ang mahigit sampung taon na pagtatago ng isang lalaki matapos na mahuli siya ng mga awtoridad mula sa kanyang ‘safehouse’ sa isang barangay sa lungsod ng Paranaque noong Lunes, October 28,2024.
Sa kanyang ulat kay NCRPO Chief PMGen Sidney S Hernia, Acting Regional Director, kinilala ni Southern POlice District (SPD) Director PBGen Bernard R Yang ang naarestong akusado na alyas ‘Noel’,52-anyos, ng Brgy. San Dioniso, Paranaque City.
Upang itaguyod ang batas at hustisya ,alas-11:25 kahapon ng umaga nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police Station ang warrant of arrest laban sa suspek na nasorpresa sa pinagtataguan nito.
Ang pag-aresto ay ginawa alinsunod sa isang warrant para sa Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, kaugnay sa Section 5(b) ng Republic Act 7610. Ang warrant ay inilabas noong Setyembre 9, 2014, ni Honorable Marie Grace Javier Ibayan , Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 194 ng Parañaque City.
Ang suspek ay pinahintulutan ng korte na makapagpiyansa ng P180,000.00. (JOJO SADIWA)