Advertisers
NAKAHANDA at ‘kasado’ na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng kaayusan at seguridad ngayong panahon ng Undas sa Metro Manila, napag-alaman sa ulat kahapon.
Ayon kay NCRPO Acting Regional Director PMGEN Sidney S Hernia, nasa 12,540 na NCRPO personnel ang magbabantay sa 76 na public at private cementeries kasama ang 58 columbarium sa Kalakhang Maynila.
Dagdag pa ni Hernia, mayroong mga Quick Response Team (QRT) din ang nakatalaga sakaling may mangyaring aberya o hindi inaasahang pangyayari sa bawat syudad ng rehiyon.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Hernia sa publiko na mula transport terminals, airports at pantalan ay nakaantabay ang kanilang hanay upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan na dadalawin ang kanilang mga kaanak at namayapang mahal sa buhay. (JOJO SADIWA)