Advertisers
Ang naging pagharap ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING noong October 28, 2024 ay hindi pagpapakita ng tapang kundi isang pagpapanggap sa orkestradong eksena ng TROPANG DUTERTE sa hanay ng SENATORS upang malinis ang imahe ng mga nasasangkot.., subalit tila bulkang sumambulat at nagsala-salabat ang mga pananalitang nagpagulo sa pananaw ng mga nagsisisubaybay sa isyung EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) na bahagi ng eksenang panlilinlang para maalpasan ang mga kasong pang-aabuso sa sambayanan ng ilang HIGH GOVERNMENT OFFICIALS.
Ika nga.., HUWAG MAGPALOKO O MAGPALINLANG dahil ang naging pagdalo ni EX-PRES. DUTERTE sa SENATE ay sumasalamin sa karuwagan sa posturang dedepensahan ito ng kaniyang mga kapanalig na sina SENATOR BATO DELA ROSA at SENATOR BONG GO gayundin ng dagsang mga tagahanga na pumuno sa kanan ng SENATE SESSION HALL.., pero ang mga naniniwalang ang pagharap nito ay para sa katotohanan at transparency ay isang eksena ng panlilinlang dahil ang katotohanan nito ay takot ang BAD MOUTHING EX-PRESIDENT na harapin ang GENUINE INVESTIGATIONS na isinasagawa ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).
Mga ka-ARYA.., ang isinagawang SENATE HEARING ay nagmistulang entablado kay DUTERTE upang idepensa nito ang kaniyang ANTI-DRUG POLICIES at KONTROLIN ang mga akusasyon.., na ang kinalabasa’y eksena ng komedya, sumbatan, pagmumura at mga birong panlalait sa kababaihan na naglilihis sa tunay na isyu sa libu-libong kaso ng EJK.., na maging si SENATOR ROBIN PADILLA ay sumaklolo kay DUTERTE sa pagpapahayag na tandaan din daw ang VICTIMS ng mga DRUG DEALER.., na bumabalandra lamang ang tinuran ni SEN. ROBIN kay DUTERTE dahil sa mga rebelasyon ay may mga TROPANG konektado ito sa DRUG SMUGGLING tulad ng kaniyang ginawang EX-ECONOMIC ADVISER na si MICHAEL YANG; MANUGANG na si MANS CARPIO at ang sarili niyang anak na si PULONG DUTERTE.
Ang pagpapahayag ni SEN. ROBIN bilang pangdepensa sa EX-PRESIDENT ay nagpakita lamang ng kaniyang kamangmangan at pagiging “BIAS” na hindi inalintana ang nagsasalimbayang ebidensiya sa HUMAN RIGHT VIOLATIONS at sa natitipong mga rebelasyon mula sa iba’t ibang RESOURCE PERSONS.., na kung wala roon sa pagdinig si SENATOR RISA HONTIVEROS ay siguradong eksena ng teleseryeng KOMEDYA ang nasaksihan ng sambayanan.
Tanging si DUTERTE lang sa mga naging PHILIPPINE PRESIDENT ang umaamin sa harap ng NATIONWIDE CAMERAS na siya ang may responsibilidad sa libu-libong mga napaslang.., na UNDER OATH ito sa nasabing pagdinig ay inamin niya na kaya niyang pumatay, magtanong ng mga ebidensiya, protektahan ang nagmamalabis na officials at mga pulis.., na gagawin niya ulit ito kung may pagkakataon.
Wowww.., matindi ang BERDUGONG EX-PRESIDENT na ang mga SENATOR ay nagsilbing taga-tawa sa bawat mala-komedyang pananalita ni DUTERTE at hindi kinondena ang tila kalapastanganan nito na hindi nagampanan ng mga SENADOR ang pagpapanatili sa INTEGRIDAD ng kanilang tungkulin para sa kapakanan ng sambayanan.
Ang matindi pa ay ang paglikha ng SENATE COMMITTEE na hinayaang ang mga nasasangkot ay maging bahagi pa rin ng INVESTIGATING BODY sa halip na paliwanagan ang 2 SENATORS na kailangang huwag silang makihilera sa INVESTIGATORS sa ngalan ng INTEGRITY ay hindi isinagawa ng MAJORITY SENATORS.., o sadyang kinunsinti bilang pakikisama ng SENATORS para lamang may maipakita sa sambayanan na kanilang naisalang sa pagdinig ang EX-PRESIDENT.., pagdinig bilang pagbibigay-kiling pabor sa anumang pagdedepensa ni DUTERTE na unfair o hindi makatarungan sa panig ng mga mamayang tapat sa responsableng pagbubuwis.
Kung tunay na may TAPANG ang BAD MOUTHING EX-PRESIDENT ay dapat harapin nito ang CQC na nagsasagawa ng GENUINE INQUIRY at hindi sa tila FRAUD INQUIRIES na kinapapalooban ng kaniyang mga kapanalig.., ika nga, HUWAG MAGPALINLANG SA EKSENANG TROPANG DUTERTE!
***
BARANGKA CEMETERY ADMINISTRATOR KINASUHAN!
Dahil sa ilegalidad na pangangasiwa ng pampublikong sementeryo sa MARIKINA CITY ay sinampahan ng kaso ang ADMINISTRATOR ng BARANGKA PUBLIC CEMETERY nitong October 31, 2024 bago ang ARAW NG MGA PATAY
Ang kinasuhan sa pamamagitan nina MARIKINA CITY EPIDEMIOLOGY SURVEILLANCE UNIT CHIEF, DR. CHRISTOPHER GUEVARA at ENVIRONMENTAL HEALTH AND SANITATION CHIEF ROLANDO DALUSONG ay sina CEMETERY ADMINISTRATOR RENATO BELTRAN, IAN LESTER BELTRAN, IRISH SANTOS, RIWELL OGAYON, PABLO PAPA at isang SOLAYAO.
Sa pahayag ni MARIKINA CITY MAYOR MARCY TEODORO ay nagkaroon na ng MORATORIUM nitong nakaraang taon na bawal ang paghuhukay sa mga labi sa nasabing sementeryo.., kaya wala umano siyang makitang dahilan kung bakit hinuhukay pa rin sa sementeryo ang mga labi na natapos na ang 5 year contract.
Batay aniya sa nakalap nilang impormasyon ay pinagkakakitaan ang paghuhukay sa sementeryo na libre ang pagpapalibing dito o may donasyon lamang na mula P1,000 hanggang P1,500 subalit ibinebenta ang pwesto sa ibang mga bagong ililibing sa halagang P20,000.
Bunsod niyan ay nananawagan si MAYOR MARCY sa lahat ng mga pamilyang nawala o nahukay ang kanilang mga patay na nakalagak sa nasabing sementeryo na makipag-ugnayan sa kanilang CITY GOVERNMENT upang mabigyan ng disenteng lagakan sa mga patay nilang nawala o hinukay ng mga nangangasiwang sementeryo.. para sa gayon ay maibigay ang wastong pagpapahalaga sa kanilang mga patay o kaya ay sa pamamagitan ng FREE CREMATION na mailalagak sa ANGKOP na lugar!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.