Advertisers

Advertisers

BUHAY NA BUHAY ANG KASO NI GONGDI SA ICC

0 25

Advertisers

HUWAG mangamba kahit walang inilalabas na pahayag ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa sakdal na crimes against humanity na isinampa laban kay Gongdi at mga kasapakat. Hindi dahil sa walang pahayag ang ICC, tapos na ang sakdal at ibinasura ito. Buhay na buhay ang sakdal at nasa ilalim ito ng proseso ng ICC.

Buhay na buhay ang proseso. Patuloy na tinatanggap ng ICC ang mga information na isinumite sa kanila ng mga interesadong panig. Ani Sonny Trillanes, tinanggap ng ICC ang mga transcript ng mga saksi at resource person na humarap sa QuadComm at kahit sa TuwadComm, ang subkomite ng Senado na pinamumunuan ni Koko Pimentel.

Dahil tinanggap ng ICC, isa ang ibig sabihin: hindi isinantabi ng ICC ang idineklarang “formal investigation” ng ICC sa sakdal laban kay Gongdi. Tuloy-tuloy na gumugulong ito at isang araw, bubulaga na lang sa sambayanang Filipino ang anumang desisyon ng ICC.



Hintayin natin ang ICC sa kanilang imbestigasyon. May sariling staff ang ICC na nag-iimbestiga. Hindi ito tulad ng hukuman sa bansa labis na makupad kumilos at may paraan upang iligaw ang sambayanan. Mas propesyonal ang ICC.

***

MATINDI ang balik ni Manila Kin. Benny Abante kay P/Col Hector Grijaldo na nagsumite ng affidavit sa TuwadComm ng Senado na pinilit siya umano ni San Pedro City Kin. Dan Fernandez na kumpirmahin ang reward system ni Gongdi sa mga pulis na sangkot sa EJKs kaugnay sa madugo pero palpak ng giyera kontra droga ni Gongdi.

Ibinisto ni Abante na walang ginawa o isinumite police report si Grijaldo na napatay si B/G Wesley Barayuga sa Mandaluyong City noong 2018. Parehong chair si Abante at Fernandez ng dalawang komite sa apat na komite na bumubuo ng QuadComm na kasalukuyang nagsisiyasat sa mga war on drugs ni Gongdi.

Nang patayin si Barayuga sa Mandaluyong City, si Grijaldo an police chief ng Mandaluyong City. Dahil walang police report si Grijaldo, hindi masiyasat ng maayos ang pagpaslang kay Barayuga. Ani Abante. “Basta, ganoon lang,” ani Abante, ang chair ng Komite on human rights sa Camara de Representante.



***

NOONG Miyerkoles, aking isinulat at ipinaskel sa aking account sa social media:

NAKAKATAWA ANG HUWADCOM:

Nandiyan si Bato dela Rosa at Bong Go na ayaw umurong sa pagdinig kahit si Bato ang itinuturong implementor at si Bong Go ang bagman ng pumalpak na war on drugs ni Gongdi. Pakapalan ng mukha ang labanan. Paano naging tagahatol ang may gawa ng war on drugs?

Ipinipilit ni Bato ang teyorya niya sa war on drugs kahit pinagtatawanan siya. Ang buong akala niya epektib siya kahit nagtatawanan lang ang mga netizen. Todo depensa si Bong Go kay Gongdi at hindi iya iniisip na walang tiwala sa kanya ang publiko.

Bilib na bilib sa sarili si Kokok Pimentel na nagsabing maganda daw ang performance niya bilang chair ng HuwadComm. Sa maikli, hinatulan ang sarili niya. Hindi na siya naghintay na hatulan siya ng publiko. Komiko rin si Kokok.

Kinakabahan sila kung muli nilang pahaharapin si Gongdi sa public hearing ng HuwadComm. Hindi na nila palabasin dahil nagkakalat ang matandang baliw. Baka hindi nila makontrol si Gongdi at kung ano pa ang sabihin sa hearing. Nagdesisyon dila na hindi na tatawagin si Gongdi. Huwag na lang.

Bistado ang agenda nila na gibain ang QuadComm pero hindi epektib. Marami ang walang bilib sa HuwadComm. Kasi hindi nila matanggap ang katwiran na kung gusto ninyo malaman ang katotohanan sa war on drugs ni Gongdi, bakit ngayon lang kayo nagdesisyon na imbestigahan ang war on drugs?

***

BILIB kami kay Benny Abante ng QuadComm sa mga nagpapanggap at nagsusunong-dunungan na may alam sa war on drugs ni . Simple lang manggiba. Nang nagsalita ang pipitsugin na si Sal Panelo na salita lang ang DDS at hindi ito too, walang abog na sinabi ni Abante: “He wasn’t a resource person.”

 

Sa maikli, hindi kasali si Panelo sa usapan. Wala personalidad upang magpahayag ng opinyon si Panelo sa madla. Huwag pansinin at huwag seryosohin si Panelo sa kanyang mga salita. Tapos ang kuwento sa maikli, aniya.

***

MGA PILING SALITA: “A Single upright and principled senator is a majority. Go, go, Risa…” – PL, netizen, kritiko

“Sulit na sulit ang bayan kay Sen. Risa. As for the other senators, they’re all overpaid bums.” -Joel Cochico, netizen, kritiko

“The madman has no soft, or human, side. The claim he has soft side is only an allegation. All he has is darkness. Total darkness.” – PL, netizen, kritiko