John Arcenas Biggest Break Ang “IDOL” Movie Na Mai-Inspire Kayo At Paiiyakin; Rosanna Roces Pinasaya Ang Maskara Festival
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
VERY lucky itong si John Arcenas, na alaga ng tinatawag kong sweet famous talent manager na si Tyronne Escalante. Among 27 auditioners para sa role ni OPM Icon April Boy Regino para sa biopic ng namayapang singing idol ay si John ang napili.
At hindi naman nagkamali si Madam Mayora Marynette Gamboa na producer ng IDOL na si John ang naging choice at nabigyan ng actor ng hustisya ang mapaghamong pagganap sa character ng nag-iisang si April Boy. Kumbaga parang si Boss Vic del Rosario ng Viva itong Amiga naming si Mayora Marynette ng Water Plus Productions, may “Eye” rin for talent para sa mga newcomer na may potential na sumikat sa showbiz.
Yes, sa idinaos nga na Special Press Preview sa theater ng MOWELFUND sa Kyusi, sobrang na-impressed ang lahat sa acting o performance ni John sa movie na kahit mahirap gampanan ang true to life story ni April Boy ay no exaggeration pero perfect ang portrayal niya sa movie, na papalakpakan mo talaga ng buong ningning.
Yes, hayup umarte itong si John Arcenas. Also his leading lady sa film na si Kate Yalung na portraying the role of Madelyn Regino na wife ni April Boy in real life. Parang balon naman kung lumuha si Kate na alaga rin ni Tyronne Escalante at na-impressed nito ang mga invited entertainment press and vloggers sa said Press Preview. Siyempre, marami rin ang sumasaludo kay Direk Efren Reyes Jr sa husay ng pagkakadirek nito ng “IDOL” na mula sa maliit at malalaking artista ay napaarte niya at nabigyan niya ng kani-kanilang moment o highlight dito. Sabi nga ni Hero Bautista na present sa Press Preview at ginampanan ang role ni Mr Tony Ocampo na top executive ng Ivory Records ay pang international release rin daw ang IDOL.
Agree kami dahil beautifully done ito at talagang quality movie. Saka ito ang biopic na hindi dinaya o binudol ang moviegoers. Dahil almost 100 percent ay authentic na totoong kwento ang pelikula sa totoong buhay ni April Boy Regino, mula sa pagkabata, sa pagtitinda ng banana cue, pagsali sa Amateur Singing Contest, pagpunta at trabaho sa Japan, hanggang sa sumikat nang husto, pagkakaroon ng cancer at nabulag at tuluyan nang namaalam sa mundo noong 2021 na kasagsagan ng pandemya. Isa pang hahangaan mo ay super bongga ang gagawing promo ni Mayora Marynette sa comeback movie project nilang ito ng partner sa buhay na si Direk Efren na talaga namang big budgeted. Aside sa Press Preview at malalaking Presscon at Led lights Billboard ng IDOL sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nakikita na sa malalaking kalsada sa Mega Manila, sa Frontier Theater sa Cubao, na kilala ng concert venue, gagawin ang Red Carpet Premiere nito. At nakasakay sa limousine ang dalawang pangunahing bida ng IDOL na ñsina John Arcenas at Kate Yalung.
At para kina Mayora Marynette at Direk Efren, blessing in disguise sa kanilang movie na hindi ito napasama sa MMFF 2024. At nabigyan sila agad ng agarang playdate. Yes, sa November 27 ay mapanonood niyo na sa Cinemas Nationwide ang IDOL. And aside kina John and Kate and Hero ay parte rin ng cast sina Tanya Gomez, Irene Celebre, Rey PJ Abellana, Dindo Arroyo, Imelda Papin, Mae Rivera, Archie Adamos, Whitney Tyson, Aileen Papin, Migz Coloma, and many more. Paalala, magdala ng panyo o labacara sa sinehan at siguradong maiiyak kayo sa mga eksenang inyong mapapanood. Sabi nga ay bato o bakal ang hindi luluha sa obrang ito ni Direk Efren Jr. And for me, big contender pareho sina John Arcenas at Kate Yalung for Best Actor and Best Actress nominations para sa best performance nila sa movie. Bravo!
***
ASIDE sa pag-arte, kilala ring concert performer si Rosanna Roces . Yes, kahit hindi ganap na recording artist ay dinudumog ang lahat ng mga ginawang concerts noon ni Osang. At ang talagang nagmarka sa kanya ay ang pag-awit niya ng “Zombie” ni the late Dolores O’Riordan ng Cranberries na plakadong-plakado sa Batang Quiapo at Pamilya Sagrado actress. Yes, nakapag-show pa sa Dubai si Osang with friend actor Jay Manalo at hit sila sa ating mga kababayan. At sa nakaraang Maskara Festival sa Iloilo kung saan naimbitahan ang casts ng tatlong malalaking teleserye ng ABS-CBN kabilang na ang “PAMILYA SAGRADO” ay isa si Osang sa nagpasaya at nagbigay ng entertainment sa mga Ilonggo. Patok uli ang kanyang performance rito na animo’y may free concert. Lahat ng crowd ay hiyawan at pumalakpak kay Osang at lahat ng cellphone ay nakatutok at kinukunan siya. Yes, Rosanna Roces is a multi-talented. At nasalo talaga niya ang biyayang ito mula sa langit, na kanya siyempreng iniingatan at ipinagpapasalamat sa Diyos. Tuluy-tuloy ring mapanonood si Osang sa Batang Quiapo at Pamilya Sagrado, na magwawakas na sa ere.