Advertisers
ANG 2024 -25 season ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ay papalo na sa Nobyembre 9, sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang season ang maging pinakamahaba, na tatakbo ng anim na buwan para ihanay sa FIVB schedule.
Makakaharap ng Choco Mucho, finalist nakaraang conference, ang two-time Reinforced champion Petro Gazz sa main game 6:30 ng hapon.
Habang ang Akari, na pinasigla ang line-up, makakatous ang Galeries Tower 4 p.m.
Defending champion at Grand Slam winner Creamline makakatagpo ang Petro Gazz sa Ynares Center sa Antipolo City sa Nobyembre 16.
Ang Coolsmashers,na pinamumunuan ng last year conference’s MVP Bernadeth Pons, puntirya ang kanilang ikalimang dikit na titulo.
Cherry Tiggo,sa ilalim ng bagong coach Norman Miguel, makakasagupa ang Capital 1 sa Philsports Arena sa Nobyembre 12. Habang ang PLDT at Nxled na gagabayan ng Italian coach Ettore Guidetti.
Ipaparada ng Zus Coffee ang kanilang first overall Rookie Draftee Thea Gagate kapag nakaharap ang Akari sa Filoil EcoOil Arena, sa Nobyembre 14.Habang ang Cignal makakabangga ang Farm Fresh sa Nobyembre 16