Advertisers

Advertisers

Adik nang-hostage ng 3 katao

0 202

Advertisers

ARESTADO ang isang mister na nang-hostage sa kanyang isang taon gulang na anak at dalawang kapitbahay sa Mejorada Subd., Barangay Inzo Arnaldo, Roxas City.
Kinilala ang hostage taker na si Randy Ric Alipongan, 36, nakatira sa naturang lugar.
Sa ulat, 7:00 ng umaga nang hinostage ni Alipongan ang kanyang anak at dalawang matanda.
Aniya, habang karga nito ang kanyang anak ay bigla na lamang itong nagwala at binitawan ang anak.
Kasunod nito nakita ni Alipongan ang 86-anyos na si Enriqueta Batuigas at bigla na lamang sinakal.
Agad naman dumating si Geovani Amarillo at matagumpay na nailigtas ang kanyang manugang mula sa suspek.
Matapos ang nangyari, kumuha naman ang suspek ng matalim na flamengko at kinuha ang anak na lalaki.
Nagkataon naman na dumaan si Ma. Elena Bereber at nagboluntaryo na siya na lamang ang saktan ng suspek at hindi ang bata.
Nabatid na tinangka pa ng suspek na saksakin si Bereber ngunit maswerte na lamang na nakaiwas ito, ngunit naabot naman ang kanyang kamay dahilan na nagtamo ito ng sugat .
Dumating si retired PNP Alex Aldea at nagpakiusap sa hostage taker na bitawan ang hawak nito at sumuko sa mga otoridad. Sumunod naman ang suspek at ngayon nakakulong na sa Roxas City Police Station.
Napag-alaman na gumamit ng iligal na droga ang suspek bago paman ang insidente.