Advertisers
Napatay ang isang mataas na pinuno ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa 12th Infantry Battalion sa bayan ng Libacao, Aklan noong Oktubre 31.
Kinilala ng Philippine Army (PA) si Alvin Panoy, alyas Ka Jake o Ka Vinmar, 30, mula sa lalawigan ng Iloilo.
Sinabi ng 3rd Infantry Division na si Ka Jake ay dating finance and logistics officer ng Squad II, Igabon Platoon, ng NPA Central Front Committee sa Panay Island.
“The death of alias Ka Jake has disrupted the NPA’s attempt to recover their influence in Aklan, including its financial and logistical support system in both red and white area operations,” ani 3rd ID commander Major Gen. Marion Sison.
Matatandaan na ang Aklan ay idineklara ng Armed Forces of the Philippines bilang insurgency free noong 2011.
Tiniyak naman ng PA na ihahatid ang bangkay ni Panoy sa kanyang pamilya sa Lemery, Iloilo para sa maayos na paglilibing.