Advertisers

Advertisers

2 Pinoy nakapatay ng Kano ‘bitay’ sa US

0 319

Advertisers

DALAWANG Pilipino ang kabilang sa 124 dayuhang nakatakdang bitayin sa Amerika, ayon sa non-profit na Death Penalty Information Center (DPIC).
Kinilala sa DPIC website ang mga Pilipino na sina Sonny Enraca ng California at Ralph Simon Jeremias ng Nevada.
Ayon sa mga ulat sa media, nahatulan si Enraca ng ‘kamatayan’ sa Riverside County noong Hulyo 23, 1999 dahil sa pamamaril-patay kay Dedrick Gobert, isang aktor na higit na nakilala sa kanyang supporting role sa pelikulang “Boyz N the Hood.”
Ayon sa ulat, si Enraca, isang Pilipino na nanirahan sa Estados Unidos sa loob ng walong taon, ay kasapi ng Akrho Boyz Crazzy (ABC) gang na kasamahan ng Bloods. Sa una’y itinanggi ni Enraca na sangkot siya sa pamamaril pero inamin din niya ito nang maaresto.
Naganap ang pamamaril matapos umanong magtalo ang dalawa kaugnay sa isinasagawa nila na illegal drag race sa Mira Loma, California noong Nobyembre 1994.
Ang ikalawang Pilipino, si Ralph Simon Jeremias, ay nahatulan dahil sa “execution-style” na pamamaril kay Paul Stephens at Brian Hudson noong 2009.
Ikinatwiran ni Jeremias na patay na ang mga biktima noong siya ay dumating sa apartment complex para bumili ng marijuana.
Pero pinabulaanan ito ng dalawa niyang kaibigan na nagsabing pumasok na mag-isa si Jeremias sa apartment at pinagbabaril ng maraming beses sina Stephens at Hudson.
Ayon sa DPIC, itinuturing na banyaga ang mga indibidwal na walang U.S. citizenship, kabilang na ang mga turista at bumibisita lamang sa America, migrant workers na may temporary permit, resident aliens, undocumented aliens, asylum-seekers, at persons in transit.