Advertisers
Sinuspende ng Land Transportation Office (LTO) ng 90- araw ang lisensya sa pagmamaneho ng isang Koreano na na nag viral kamakailan sa Clark Freeport Zone sa Pampanga dahil sa pag-aararo sa isang motorsiklo at gasolinahan.
Sa ulat na nakarating kay LTO Chief, Asst. Sec. Vigor Mendoza, habang minamaneho ng Koreano ang kanyang SUV, sinasagasaan nito ang motorsiklo ng isang security guard at saka inararo ang isang gasoline pump sa isang gasoline station na nagresulta sa pagliyab nito pero naagapan din bago magkasunod.
Sinabi ni Mendoza na naglabas na rin sila ng Show Cause Order para paharapin sa pagdinig ang dayuhan sa LTO Regional Office 3 sa Pampanga at inasusumite ng written affidavit sa loob ng tatlo araw pagkatanggap ng SCO.
Sinabi naman ni LTO Chief, na oobserbahan ang due process kasabay ng pagtiyak na ipapataw nila ang karampatang parusa.
“Due process will be observed on this incident and we assure the public that necessary sanctions will be imposed,” pahayag ni Mendoza.
Iginiit ng LTO na dahil sa ginawa ng dayuhan, inilagay nito sa panganib ang buhay ng ilang indibidwal at nagdulot ito ng pinsala sa mga ari – arian.
Sakaling hindi humarap sa imbestigasyon ang Koreano, magpapasya ang LTO batay sa mga hawak nilang ebidensya.
“Failure to submit an affidavit of explanation under oath at the above-stated time shall be construed as a waiver to be heard and to contravene the above-cited violation, leaving this Office to resolve the case administratively and accordingly based on the available records,” nilalaman ng SCO. (Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)