Advertisers

Advertisers

Unang episode ng ‘WPS’, ipinalabas na!

0 30

Advertisers

Ni Blessie Cirera

SUCCESSFUL nang ipinalabas kagabi, Nov. 5, 11pm, ang first episode (Season 1) ng WPS sa DZRH News TV, DZRH News, DZRH YouTube Channel, Viva One.

Marami ang humanga sa husay ng serye na sinabayan ng magaling na pagkakaarte ng cast members na isinapuso ang kanilang mga karakter sa WPS.



Pinangungunahan ito nina AJ Raval, Ayanna Misola, Daiana Menezes, Ali Forbes, Rannie at Lance Raymundo, Massimo Scofield, Henry Lo, Jericka Madrigal at Mary Trego. May major roles din sina Jeric Raval at Aljur Abrenica. May special appearances pa sina Atty. Mark Tolentino at Joey San Andres.

Bukod sa pagpapalabas ng unang episode ng serye, last Nov. 3, Linggo ay ipinalabas ang advance screening ng WPS sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel. Ilan sa mga tauhan ng cast ng WPS ay naroon para panuorin ang action-packed episodes na tumatalakay sa isyu ng West Philippine Sea.

Nilikha ang serye ng may educational at patriotic mission para ma-inform ang Pinoy viewers sa mahalagang paksa sa bansa.

Tatalakayin ng WPS ang storyline na nakatuon sa kasalukuyang territorial issues.

Ang original na konsepto ng serye ay nagmula kay Dr. Michael Raymond Aragon, ang head ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI).



“Atin ang West Philippine Sea (WPS). May bully na China na gustong kunin ito because very rich ang natural resources, may oil, etc. Ang pinakamasaklap dito, ang daming fake news ng China na ipinapakalat at binabaligtad nila tayo. Tayo ang biktima tayo pa ang may kasalanan. That’s unfair,” tsika ni Dr. Aragon.

Ang WPS ay mula sa direksyon ni Karlo Montero na ang pakay ay mag-entertain at mainspire ang sambayanan. Tinatalakay nito na maging mas aware ang lahat sa national issues.