HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND SAFETY, KAYLAN NYO TATALUPAN ANG GOBERNADOR AT PNP NG ORIENTAL MINDORO?
Advertisers
KAYLAN kaya ipapatawag ng House committee on public order and safety ang governor, provincial at regional director ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa talamak na presensya ng ilegal na sugal sa Oriental Mindoro.
Kamakailan sa naging isinalang sa pagdinig ang House Resolution No. 1549 na akda ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo kaugnay sa talamak na ilegal na sugal sa Calabarzon o Region 4-A.
Pero sa halip na ituon umano ang atensyon sa Region 4-A, itinulak ni Congressman Tulfo na isama na ang lahat ng police provincial at regional director.
Sumang-ayon dito ang chairperson ng komite na si Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez.
Ayon kay Tulfo, nagpapatuloy ang operasyon ng ilegal na sugal dahil pinapayagan ito ng mga politiko.
Naniniwala din si Tulfo na hindi makakapag-operate ang ilegal na sugal ng walang pahintulot ng mga lokal na opisyal.
Sumegunda naman dito sa kanya si Iligan Rep. Celso Regencia, na tatlong beses na naging mayor ng Iligan City.
Samadaling salita pwede ng talupan ang Gobernador ng Oriental Mindoro na si Gov. Humerlito “Bonz” Dolor maging sina Provincial Director PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen. Roger Quesada dahil sa pananahimik at pagsasawalang kibo ng mga ito sa iligal na sugal na jueteng sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kabila kasi ng mahigpit na babala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Rommel Francisco Marbil, na wala itong sisinohin n mga opisyal ng kapulisan na dawit at protektor ng ilegal na sugal, partikular ang jueteng, lotteng, at iba pang uri ng sugal ay nananatiling talamak parin ang presensiya nito partikular sa nasabing lalawigan.
Batay sa sumbong na ipinarating sa pitak na ito ng ilang concerned citizen, mistulang umanong hindi natatakot ang mga PNP officials sa lalawigan sa banta ni Marbil na kanya itong sisibakin at kakasuhan ang mga dawit sa iligal na sugal.
Naniniwala din ang ilang sector na bumabatikos sa jueteng na hindi ito mapapatigil nina PCol Revita at Gen. Quesada dahil ipinagmamalaki ng mga kubrador na maimpluwensiyang politico ang nasalikod umano ng illegal numbers game na may kubransa umano na P2.5-Milyon kada araw kaya untouchable ang jueteng sa Oriental Mindoro na dalawang beses sa isang araw ang bolahan.
Ang tanong kaylan kaya tatalupan ng House committee on public order and safety ang mga nabanggit na government officials?
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.