Advertisers
ANG Far Eastern University Cheering Squad ang nakatakdang pinakahuling magsagawa ng kanilang title-retention campaign kapag nagsimula ang UAAP Season 87 Cheerdance kumpetisyon sa Disyembre 1,sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Inilabas ang development matapos ang perforance order ay natukoy sa panahon ng drawing of lots Miyerkules, Novyembre 6.
Kinilig si FEUCS head coach Randell San Gregorio matapos makuha ang eight at last spot sa kumpetisyon na inaasahang makahatak ng sold-out crowd.
“Happy kasi ‘yun ‘yung gusto namin [to perform eighth]. Kasi sa nine years ko sa CDC, hindi pa ko nag-eighth,” Wika ni San Gregorio.
“Alam na nila ‘yung feeling na tumapak sa mats and it should bring them confidence. Pero other than that, every year, new team, new theme. Hindi naman kami nag-uulit. Siguro ang pinakamaganda nilang madadala sa competition is nakapag-laro na sila; yun lang,” Dagdag niya.
Bukod sa mapanateli ang titulo, Layunin rin ng FEU ang 22nd podium finish. kasalukuyang hawak ng FEU ang pinakamaraming numero ng podium finishes.
Ateneo ang magtaas ng kurtina kasunod ang University of the East, susundan ng University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troup, Adamson, Univerisity of the Philippines, at heavy favorite National University Pep Squad at De La Salle.