Gerald at Julia naispatang magkasama sa bundok; Mayor Vico siningil ang erpat na si Bossing Vic sa taping sa Pasig
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI nakaligtas sa mga netizen ang usap-usapang magkasama sa Mt. Kulis sina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Ito’y matapos mag-post si Julia ng larawan sa Instagram account niya, sakay ng isang wooden boat na may bansag na ‘Noah’s Ark.’ Matatagpuan ang ‘Noah’s Ark’ malapit sa campsite sa Mt. Kulis na isang hiking destination para sa mga gustong makita ang sea of clouds.
Hindi nakaligtas sa netizen ang espekulasyong magkasama ang dalawa dahil nag-tweet ang fan page ni Gerald ng larawan ng aktor na nakaupo sa bamboo na hugis puso na matatagpuan din sa nasabing bundok.
Sa larawan, nasa paanan ni Gerald ang isang K9 dog na sinasabing alaga nito na si Koda. Lalong pinatotohanan na magkasama ang dalawa dahil sa ipinost ng kapatid ni Gerald na si Ken na isang drone shot niya ng Noah’s Ark.
Makikita rito ang babaeng naka-ponytail na mahabang buhok at nakasuot ng sumbrero habang may isang lalaking katabi na naka-black T-shirt kung saan ito ang suot ng dalawa sa kani-kanilang larawan.
Pero bago pa ito, spotted din before sina Gerald at Julia na magkasama sa private resort ng una. Kung ganyang lagi lang magkasama, obvious na talagang may something nang namamagitan sa kanila. Pero kung ayaw pa rin nilang umamin, choice naman nila yun, at respetuhin na lang natin. Siguro, gusto nilang magkaroon ng privacy ang kanilang relasyon, na ayaw nilang mapag-usapan pa ito.
***
TILA walang kamag-anak kay Mayor Vico Sotto dahil nag-post ito sa kanyang IG account, na binisita nito ang amang si Vic, sa set ng ‘Daddy’S Girl’ na ang taping ay ginawa sa Rainforest Adventure Experience Park ng nasabing lungso para singilin. Wala namang personal na utang kay Mayor Vico ang ama. Ang sinisingil niya ay ang production fees para sa Rainforest Adventure na ginamit sa taping. Kuwento ng mayor, nahihiya umano ang Pasig LGU na singilin ang M-Zet Productions ni Bossing Vic kaya siya na mismo ang pumunta. at aniya, dapat mas singilin dahil sa Papa niya ‘yon.
Kumbaga, hindi siya mahihiyang singilin ang komedyante. Hinangaan naman ng mga netizen ang humorous post ni Mayor na kahit pa seryosong sisingilin niya ay nadaan pa rin nito sa masayang paraan ang paglalahad ng impormasyon.
***
LAGI palang naaaksidente si Carlos Agassi bago sumapit ang kanyang kaarawan. Nito lang nakaraan ay naaksidente siya, na magbi-birthday na siya ng December 12.
Ayon kay Carlos, hindi niya maipaliwanag kung coincidence ba ito, bad luck o good luck. Nadulas ang hunk actor dahil nasira ang kanyang rubber shoes at bumagsak sa sahig una ang mukha. Ngayong araw ay pupunta siya sa hospital, upang isagawa ang 6 stitches sa kanyang kilay at 4 stitches sa kanyang gums.