Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAG-debate naman ang mga netizen sa suot na pendant ni Julia Barretto na naka-post sa kanyang IG account.
Maraming nagtalo kung ano bang letra ang suot ni Julia.
May mga nagsabi na letrang G which means Gerald Anderson.
Pero may netizen naman na nagsabi na letter C ito na kinontra naman ng iba na hindi naman daw ganun ang letter ng Channel na brand.
May isang netizen na nagkumpirma na letter G ang nasabing pendant at ‘di naman daw G na stand for God.
Kuda naman ng isang netizen na nagsimula lang na makita ang letter G pendant nang mag-invite si Julia sa kanyang socmed na mapapanuod na ang Between Maybes na pinagbidahan nina Gerald at Julia sa Netflix.
Pero ang lahat ng netizen ay kumbinsido na ang meaning ng letter G na pendant ni Julia ay Gerald nga.
***
SA IG post ni Vina Morales sa kaarawan ni Derek Ramsay nung Disyembre 7 taong kasalukuyan, naispatan ang singer-actress-host na si Pops Fernandez.
Nakita ang piktyur ni Pops sa socmed account ni Vina para ipagdiwang ang 44th birthday ni Derek.
Si Pops ang napagbintangan na dahilan daw ng split-up nina Derek at Andrea Torres.
Pero kapwa tahimik ang kampo ng aktor at singer-actress-host regarding sa pagli-link sa kanila.
Ayon sa netizen, okey sa alright kung true nga ang pagli-link sa dalawa dahil kapwa wala na umano silang commitment pa sa iba.
Sa ngayon ay ayaw pa basagin nina Derek at Pops ang kanilang katahimikan kung ano ba ang katotohanan.
Well, well, well…’Yun na!