Advertisers

Advertisers

Laban nina Bonifacio at Malvar, ilalarawan sa movie ni Pacquiao

0 432

Advertisers

Ni BKC

NAGSAMA-sama ang mga angkan ng mga bayani upang ipagdiwang ang kaarawan ni Andres Bonifacio kamakailan, sa pangunguna ni Atty. Jose Malvar Villeges, Jr., co-founder ng Kaanak ng mga Bayaning Himagsikan Filipino 1896, sa Aberdeen Court Quezon City.

Dinaluhan ito ng mahigit na 50 NGO’s na kasapi ng Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (KKK) na itinatag ni Malvar Villegas bilang KKK Chairman-President at sa tangkilik ng World Philosophical Forum Philippines (WPFP) sa pamumuno ni Dr. Shariff Albani.



Ayon kay Villegas na isa sa mga apo ng Pambansang Bayani na si Heneral Miguel Malva na namuno ng puwersang Filipino laban sa mga Amerikano noong digmaang Filipino-Amerikano, ang karamihan umano sa nagsusulat ng kasaysayan ng bansa ay itinuturing na si Bonifacio ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong itinatag nito pagkatapos inilunsad ang 1896 Philippine Revolution ang Republikang Katagalugan at si Gen Malvar naman ang itinuturing na pangalawang pangulo ng Republika, pagkatapos na siya ang humalili kay Hen. Emilio Aguinaldo, nang madakip ito ng puwersang Amerikano.

Ipinagpatuloy ni Hen. Malvar ang pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang siya ay sumuko noong 1902.

Ayon kay Villegas, noong 1899-1902 digmaang Filipino-Amerikano, mahigit isang milyong Pilipino ang napatay ng puwersang Amerikano at ito ay itinuturing na isa sa madidilim na kabanata ng ating bansa katulad sa sinasapit natin ngayon sa COVID-19 Pandemic na libu-libo na ang namatay at mahigit na daang libo naman ang nagka-COVID at nadala sa mga hospital at Quarantine Centers.

Ayon kina Francisco L. Wong at Dr. Louis Ramon V. Rodriguez na itinalaga ni Villegas bilang Presidente at Bise Presidente ng KKK-Joint Medical Ventures JMV-KAMI (Kalusugan at Makabayanihan), na anti-COVID Program ng KKK, ang Movie Documentary ng JMV Film Production sa pamumuno ni Villegas at direksyon ni Jose “Kaka” Balagtas, tungkol sa buhay ni Gen. Malvar na gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao, ang “Malvar, Tuloy Ang Laban,” ay isang kasaysayan ng patuloy na laban ng mga angkan ng bayani hanggang sa kasalukuyan na kanilang ipinamamalas ang kabayanihan ng kanilang mga ninuno lalo na bilang mga Frontliners sa pakikibaka laban sa COVID-19 Pandemic.

Nanawagan sina Wong at Rodriguez sa gobyerno na maglabas ng isang Executive Order ang Office of the President na magtalaga ng isang Express Lane sa Customs na hindi maaantala ang pagdating ng mga vaccine at iba pang medical supplies na galing sa ibang bansa tulad ng sa China na ang vaccine ay ipamamahagi nang libre sa mga Pilipino sa pamamagitan ng WPFP.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">