Advertisers
PINUSUAN ni Dominic Roque ang mga binahaging pictures ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram Page.
Sa kabila ng kanilang pananahimik hinggil sa viral kissing video nila sa Siargao, maraming nag-aabang sa next moves ng dalawang loveless celebrities.
Inaabangan ng mga ito ang mga bagong posts nilang larawan.
Katunayan, pinusuan umano ng ex ni Bea Alonzo ang mga binahaging pictures ni Sue sa kanyang social media.
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang pag-like o paglagay ng heart ni Dom sa isang post ni Sue.
Ang simpleng gesture ng actor ay nagbigay ng bagong kilig sa kanilang followers na agad nagkomento na sana ay maging sila na nga.
Anila, bagay daw sila at pareho naman silang single.
Umaasa silang magkakaroon ng romantic relationship ang DomiSue.
Dahil hot topic ang dalawang Kapamilya artists, naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ng aktres.
Heto pa ang ibang komento ng DomiSue fandom:
“Sa video na nakita ko! Bagay kayo.”
“Laban lang day bagay kamo ya??????.”
“Siguro c dom kumuha neto ang ganda ng kuha nia.”
“Hahaha pwede. Siya rin kasi ang kumukuha ng picture ni Bea noon pag magkasama sila”
“Just give yourself time. Enjoy and have fun ka. If you and javi are meant to be he will come back to you.”
***
KAALIW ang anniversary message ni Ellen Adarna sa mister na si Derek Ramsay.
Third wedding anniversary ng celebrity couple ngayong araw na ito, November 1i.
Kwela pero heartfelt anniversary message ang pagbati ng kapapanganak na misis ni Derek.
“Happy Anniversary, dont worry, i will be sleeping beside you soon… almost there! Hehe i love you! Thank you for being patient with me this year.
“Being the patola that you are, you only made patol my crazy hormones twice and not 10x (WOW. Mature. Growth).”
Patuloy pa ni Ellen, “To 3 years and a lifetime more together. Forever and always, i love you.”
May pahabol pang witty comment ang celebrity mom, “11.11 sale.” “Happy 11.11 sale! Husband for sale! Joke.”
Komento tuloy ng netizens: “hahaha happy anniv guys!”
“Patol cya e. Wag pumatol sa buntis and post patrum meron pa akong 3 weeks left pwede magbaliw baliwan”
Sey pa ng aktres sa comment section, “eff after ani ako post partum balik nasad cyas iyang ka immature patol gigil na kaayo ni cya”