Advertisers
Napundi na ang mga MAMBABATAS sa MABABANG KAPULUNGAN sa tila walang humpay na pagtanggi o pag-iwas ng mga pinagkatiwalaang opisyales ni VICE PRESIDENT SARA DUTERTE para humarap sa mga pagdinig ay tuluyan nang naglabas ng CONTEMPT ORDER ang mga bumubuo ng COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY laban sa apat na OVP STAFF.
Mantakin ba naman ninyo mga ka-ARYA.., walong beses na nagtangka ang CQC na maihatid ang mga SUBPOENA sa mga OVP OFFICIAL.., subalit mga alibi ang naging tugon na hindi makadadalo ang mga ito na lubhang ikinapagdududa sa mga MAMBABATAS tulad sa 2 OVP OFFICIALS na nagpadala ng kanilang sulat-paliwanag na sila ay naatasan para sa official events sa labas ng METRO MANILA nitong unang bahagi ng November at nagprisinta pa ng mga travel order at ticket sa eroplano bilang pagpapatunay.
Gayunpaman, kaduda-duda ang mga paliwanag na ito para sa mga mambabatas.., na pinuna ang sabay-sabay na pagbiyahe ng mga OVP OFFICIALS at sinasabing tila may sabwatan upang iwasan ang pagdinig at di sagutin ang mga katanungan ng komite at ng taong bayan.., at kinuwestiyon din ni HOUSE OF REPRESENTATIVE DEPUTY SPEAKER/QUEZON 2nd DISTRICT REP. DAVID “JAY-JAY” SUAREZ kung bakit nagkataong sabay-sabay ang kanilang mga biyahe sa petsa ng pagdinig at tila may kutsabahan upang umiwas sa pagdinig at hindi sagutin ang mga gagawing pagtatanong ng KOMITE at ng taong bayan.
Kaya naman sa ikalimang pampublikong pagdinig kaugnay ng paggamit ng pondo ng OVP at DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) ay naglabas na ng CONTEMPT ORDER laban sa apat na opisyal ng OVP na hindi sumipot sa pagdinig. Kabilang sa mga binigyan ng CONTEMPT ORDER ay sina LEMUEL ORTONIO na ito ang Tagapangulo ng OVP Bids and Awards Committee; GINA ACOSTA, Special Disbursing Officer; SUNSHINE FAJARDA, dating Assistant Secretary ng DepEd; at EDWARD FAJARDA (asawa ni Sunshine Fajarda).., na ang mga ito ay pawang may malakas na partisipasyon sa paggasta ng OVP FUNDS.
Ang kanilang hayagang pagtanggi na dumalo sa patuloy na imbestigasyon sa budget ay itinuturing na isang lantarang pag-iwas sa pagdinig at kawalan ng respeto sa mandatong nakaatang sa mga mambababatas.., na tila tinutularan ng mga ito ang istilo ng kanilang VICE PRESIDENT.
Ang pagsuway at pagtanggi ng mga OVP OFFICIALS sa pagharap o pakikilahok sa pagdinig at ang paulit-ulit na pag-iwas sa responsibilidad sa ilalim ng LIDERATO ni VP SARA DUTERTE ay sawa na ang mga mambabatas sa mga pagliban at hindi makatotohanang paliwanag.., kaya malinaw nilang ipinaalam na hindi na nila tatanggapin ang ganitong mga taktika. Ang contempt order ay isang malinaw na pahayag na determinado ang CQC na papanagutin ang OVP.
Tinuran ni VP SARA na “hindi kinakailangan ang imbestigasyon” at sa halip na makipagtulungan at patunayan ang katapatan ng kanyang tanggapan ay pinili nitong iwasan ang mga tanong at takpan ang isyu.., kung saan ay nagpapakita ito ng mahinang pamumuno at kakulangan ng respeto sa karapatan ng publiko na malaman ang mga detalye sa paggamit ng pondo.
Ang CONTEMPT ORDER ay hindi lamang usaping politikal kundi ipinapakita nito kung gaano kahina ang pamumuno ni VP SARA.., na ang kanyang paraan ng paghawak sa isyung ito ay nagbibigay ng impresyon sa pagiging lihim at kawalan ng pagnanais na harapin ang mga isyu’t akusasyon.
Bunsod nito, ang nalalapit na eleksyon ay mas marami na ang nagsisimulang magduda sa kakayahan ni VP SARA.., na ang pangyayaring ito ay silbing hudyat sa negatibong epekto ng POLITICAL IMAGE sa isang tinaguriang BRATINELLA VICE PRESIDENT!
***
EX-VP LENI SUPPORTERS ILULOKLOK SINA BAM AT KIKO SA SENADO!
Nagkabigkis muli ang grupong sumuporta kay EX-PRESIDENT LENI ROBREDO upang maglunsad ng isang bagong kilusan na naglalayong makopo ang susbstansyal na bilang upang mailuklok muli sa SENADO sina EX-SENATOR BAM AQUINO at KIKO PANGILINAN sa 2025 MID-TERM ELECTIONS.
Sa kalatas ng grupong iMk LENI ay ipinahayag ang kanilang intensyon na makipag-ugnayan sa iba pang “PINK GROUPS” at paghikayat sa may 15 milyong PILIPINO na sumuporta kay ROBREDO noong 2022 PRESIDENTIAL ELECTIONS upang matiyak ang tagumpay nina AQUINO at PANGILINAN.
“Nakakalungkot na patuloy namamayani sa Senado ang mga mambabatas na sikat na artista at komentarista na pawang salat sa kaalamang panlipunan, mapanlinlang na grupo, nahatulan ng pandarambong sa kaban ng gobyerno, pulitiko na ‘matamis ang pananalita’ ngunit walang naitugon sa pangako at yaong hindi nagsisisi sa paghihinalang sangkot sa pamamaslang (EJK killing). Huwag natin hayaan malugmok sa lusak ang lehislatura kaya mahigpit na muling magsama-sama tayo na ihahatid sina Kiko at Bam sa tagumpay itong 2025” pahayag ng IMKLeni.
“Muling ipakita natin ang ating talento at sigla sa paghikayat sa ating mga kababayan. Mayroon tayong lakas ng 15 milyong Pilipino para manalo sina Bam at Kiko. Hindi tayo susuko sa ating pangarap para sa magandang bukas,” dagdag pa ng grupo.
Ang pahayag ng iMk Leni ay nilagdaan ni SECRETARY GENERAL ELMER ARGAÑO, kasama ang mga COORDINATOR na sina RICKY MALLARI (Luzon); NICK MALAZARTE (Visayas); FAVE SEVILLANO (Mindanao); ROGEL GARCIA (NCR); AMEFAH BANSAO (BARMM), TEDDY BRUL ( Media) at JC LUNA (Media Coordinator).
Si BAM AQUINO ay kilalang tagapagtaguyod ng mga polisiya na nagpapalakas sa kakayahan at karapatan ng mga mga kabataan at mga mahihirap.., na hindi rin matatawaran ang serbisyo ni KIKO PANGILINAN sa mga sektor ng AGRIKULTURA at EDUKASYON. Si BAN at KIKO ay parehong nagpatunay ng kanilang malasakit sa bayan at sa mga mamamayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.