Advertisers
ANG Filipino-Australian guard Jordan Heading ay nakatakdang maglaro sa Philippine Basketball Association (PBA), pero hindi sa Terrafirma.
Sa halip, ang Sweet shooting Heading ay maglalaro sa Converge.
Batay sa trade na inaprobahan ng opisina ng PBA Commissioner, ang rights kay Heading ay nakuha ng FiberXers mataps ipamigay sina Aljun Melecio, Keith Zaldivar at ang team’s season 51 first round pick sa Dyip.
Ang 28-year-old ang lumitaw na first pick overall ng Terrafirma sa panahon ng 2020 special Gilas Pilipinas draft. Pero hindi nakapaglaro sa Dyip mas pinili na maglaro overseas.
Heading ay naglaro sa Taiwan’s T1League drone ang 2021-22 season, bago lumipat sa Japan B.League kung saan naglaro siya sa Nagasaki Velca sa sumunod na season.
Ngayong taon, Heading ay naglaro sa West Adelaida Bearcats sa Australia’s National Basketball League (NBL1) kung saan nag average ng 15.5 points,3.6 rebounds, at 3.8 assists.
Ang dating California Baptist standout ay malaki ang naging ambag sa Strong Group sa lahat ng tournaments.
Nagsout rin si Heading ng Philippine team jersey sa ibat-ibang okasyon at nag average ng 10.2 points,1.5 rebounds at 2.5 assists matapos maglaro sa FIVA Asia Cup 2021 Qualifiers, ang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa 2021, pati sa FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers.