Advertisers
NAGREYNA si Archer Elizabeth Bayla sa women’s compound open division sa 8th Philippine National Para Games sa maulap na Miyerkules ng hapon sa Rizal Memorial Sports Complex.
Naungusan ng 56-year-old mula sa Baguio City ang Paris Olympian Agustin Bantiloc sa 15-arrow Olympic round,132-131, para makamit ang gold medal sa five-meet na inorganisa ng Philippine Olympic Committe at suportado ng Philippine Sports Commission.
“Mahigpit ang laban namin. Kahit sino pwedeng manalo sa amin,’’Wika ni Bayla.na lumipat sa compound event matapos mangibabaw sa women’s recurve open sa panahon ng 2019 edition ng PNPG.
Nangibabaw si Bantiloc sa 71-arrow elimination phase na may 639 points na 19 sa kanyang shots ay nasapol ang bullseye habang si Bayla may 25 perfect shots at nagtapos na may 637 points.
“With my score, qualified na ako sumali sa international competitions,’’ Sambit ni Bayla, na umaasang Katawanin ang bansa sa Asean Para Games sa susunod na taon sa Thailand at sa 2026 Asian Para Games sa Nagoya, Japan.
Ang ultimong pangarap ni Bayla, ay ang ma-qualify sa 2028 Los Angeles Paralympics.
“Siyempre lahat naman kami nangangarap na makapunta sa Paralympics,’’ Tugon ni Bayla, na may amputated left leg mula tuhod pababa.