Advertisers

Advertisers

L.A. sa Gilas Jrs?

0 10

Advertisers

Ayon sa ating ibong pipit ay si Lewis Alfred Tenorio ang hahalili kay Josh Reyes bilang head coach ng Gilas Youth.

Sigurado na ang pagtalaga sa tubong – Nasugbu, Batangas sabi ng ating mapagkakatiwalaam source at pirmahan na lang ang kulang.

Si Tenorio na magreretiro na sa Ginebra San Miguel bilang player upang pamahalaan ang mga kabataang under 16, under 17 at under 18.



Hindi pa tiyak kung mananatili siyang alalay ni HC Tim habang hawak ang developmental na programa ng Samahan ng Basketbol sa Pilipinas.

Ayaw kumuha ang SBP ng mentor mula sa high school at collegiate rank para maiwasan ang conflict of interest.

Naging assistant coach si LA sa Letran at gayon din kay Cone sa GSM at Gilas Men’s.

Isa pang dahilan na ang 5’9 pointguard ang napili ay malapit siya kay Cone at mga opisyal ng NSA..

Marahil sa susunod na linggo ay pormal ng ihahayag ang paghirang sa 40 años na produkto ng San Beda Ref Cubs at Ateneo Blue Eagles.



Lumahok ang doktorang anak ni Leni Robredo sa nagdaang New York Marathon.noong ika-3 ng buwang kasalukuyan

Sunali sa kanyang unang full marathon si Dr. Tricia at tinapos ang 42km na takbuhan kahit may iniindang injury.

Nandoon mismo si dating Bise-Ptesidente Leni para i-cheer si Doc . Saglit niyang iniwan ang relief at rehab efforts ng Angat Buhay sa Naga para maging ina sa pangalwang anak

Ang kandidato sa pagka-alkalde na si Sam Verzosa at syotang si Rhian Ramos ay kabilang din sa 55,000 na mga runner ng patakbo sa siyudad ng N. Y.

Natutuwa si Aling Barang na may mga Pinoy na nakakasabay sa mga Kano sa kanilang taunang running event.

***-

Gumawa na naman ng bagong record si LeBron James sa NBA. Pinakamatandang player na nakapagtala ng triple double sa tatlong magkakasunod na game. Mabuti puro panalo ang Lakers sa tatlong laban na yan. Nov 8 vs 76ers – 21 points, 12 rebounds at 13 assists..

Nov 10 vs Raptors – 19, 10 at 16. Nito namang Nov 13 ang 39 taong ama ni Bronny ay naka- 35, 12 at 14 kontra sa Grizzlies. Grabe talaga!