Advertisers

Advertisers

LeBron James’ triple-double sa panalo ng Lakers vs Grizzlies

0 11

Advertisers

KUMAMADA si LeBron James ng 35 points sa kanyang pangatlong sunod-sunod na triple-double para sa Lakers at mapanateli ang perfect at home sa iskor na 128-123 wagi laban sa bisitang Memphis Grizzlies.

Dinagdagan pa ni James ng 14 assists at palamuting 12 rebounds sa kanyang fourth triple-double sa season. Los Angeles rookie Dalton Knecht nagdagdag ng career-best 19 points habang gumawa ng 5-for-5 mula sa 3-point range.

Ang lakers ay umangat sa 6-0 at home, tinapatan ang NBA-best mark na ginawa ng Cleveland Cavaliers at Orlando Magic.



Anthony Davis umiskor ng 21 points at humatak ng 14 rebounds. Rui Hachimura may 19 points at Austin Reaves bumakas ng 18 points para sa Lakers, kabilang ang tiyak ng 3-pointer sa 1;09 nalalabi para sa 124-117 lead.

Jaren Jackson Jr. umiskor ng 29 points at Scotty Pippen Jr. Santi Aldama at Marcus Smart nag-ambag ng tig-15 points para sa Grizzlies na naputol ang kanilang season-best three-game winning streak.

Naglaro ang Memphis na wala si Ja Morant (hip) sa tatlong dikit na laro at wala rin si Brandon Clarke (toe) at Desmond Bane (oblique).

Luke Kennard at Zach Edey nagdagdag ng tig-12 puntos para sa Grizzlies.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">