Advertisers
GINAPI ng Mapua University ang Arellano University,75-69, upang walisin ang second round ng National Collegeiate Athletic Association (NCAA) Season 100 men’s basketball eliminations sa Cuneta Astrodome sa Pasay City Sabado.
Rookie Chris Hubilla nagdilever ng 12 points,nine rebounds, at three assists,habang si Clint Escamis nagdagdag ng 12 points at 5 rebounds, three assists, at three steals para sa Cardinals na nagtapos sa 15-3 rekord para makamit ang top spot ng Final Four.
Marc Cuenco nag-ambag ng 11 points at four rebounds habang si John Recto at Joaquin Garcia umiskor ng tig-eight points para sa Mapua, na pomuste ng pinakamalking agwatn na 53-33.
Ern Geronimo umiskor ng 15 points, five rebounds, four assists, at two steals para sa Arellano, na nagtapos sa 7-11 slate.
Tmac Ongotan may 13 points at eight rebounds, habang si John Capulong may 12 points,eight rebound, at three assists, Joseph Hernal nagdagdag ng 10 points at four rebounds.
Makakaharap ng Mapua ang No.4 Lyceum of the Philippines University habang ang No.2 College of saint Benilde makakatagpo ang No.3 defending champion san Beda sa semifinal round sa Cuneta Astrodome sa Nobyembre 23.
Mapua at CSB ay taglay ang twice-to-beat advantage.