Advertisers
Tanong ng mga Pasigueno,Bakit tila ang mga maiingay na parang ibong “Loro” na kabig members ni Pasig City Mayor Vico Sotto ay tahimik na tahimik matapos na isiwalat ng dating kaalyado na sina Konsehal Bobby Hapin at Ramil Cruz ang mga pangakong napako ng Alkalde?.
Sila Hapin at Cruz para sa kaalaman ng lahat ay kabilang sa mga nagpakahirap upang mapabagsak sa trono ang mahigit sa 20 years sa panunungkulan ng mga Eusebio, ika nga ng mga taga Brgy. Manggahan buwis buhay.
Iba talaga ang politika mga Ka Usapang HAUZ walang permanenteng kaibigan, pero ang ginawa nitong sina Konsehal Hapin at Cruz ay sinaluduhan ng mamamayan ng Pasig paglalahad ng kanilang saloobin hinggil sa pangakong napako ng kanilang dating amo.
Isa isahin natin mga Ka Usapang HAUZ ang sentimiyento ng dalawang dating kaalyado ni mayor Vico Sotto, anila sa loob ng 6 na taong panunungkulan ang mga matatamis na pangako nito ay hindi nagkaroon ng katuparan kaya’t dapat na sigurong maningil.
Ayon kina Hapin at Cruz ang 5 points agenda ni Sotto ay labis na ikinatuwa ng Pasigueno dahil kabilang rito ang problema sa Kalusugan, Edukasyon, Transparency, Pabahay at Laban Kontra Korapsiyon subalit hindi ito natupad kundi pagkadismaya.
Inihayag pa ng dalawang dating kaalyado ni Mayor Sotto na hindi lamang sila ang dismayado sa pangako kundi ang ilan pa nilang kasamahan sa politika na sa tamang panahon ay magpapahayag din ng sama ng loob sa kanilang mayor at tuluyan ng kakalas.
“Kailangan na naming kumalas kay Mayor Vico hindi kami makatingin ng diretso sa mamamayan ng Pasig dahil kasama kami sa nag-anunsiyo sa pangakong 5 points agenda na hindi nakamit ng aming mga kababayan ang pangakong pagbabago ng Siyudad”
Sa pangakong pabahay para sa libo libong mga taal na Pasigueno mas inuna pa umanong bigyan ng disenteng pagtitirahan ang mga bagong sampid sa lungsod at inilipat sa dati ng pinagawang pabahay ng mga Eusebio, kaya ang sabi nila Hapin at Cruz ni isang poste nga ng pabahay ay walang naipagawa?
“Kung sa nagawa ay meron naman kahit paano pero hindi nga lang nararamdaman ng nasa laylayan ng lipunan lalong lalo na ang kababayan nating mahihirap” ani Cruz at Hapin.
Gusto nga pala nating tawagan ng pansin mga Ka Usapang HAUZ ang isa sa sinasabing right hand nitong si Mayor Sotto ang magiting na Brgy. Manggahan Chairman Quin Cruz upang magbigay ng kasagutan sa ginawang pasabog ng kanyang mga sinasabing best of fiends na sina Hapin at Cruz, hindi lang po natin alam kung itong si Kon. Cruz ay kamag-anak ni Kapitan may nagtatanong lang?
Sa huli mga Ka Usapang HAUZ nanawagan sa Pasigueno itong sina Konsehal Cruz at Hapin na maging matalino sa kanilang gagawing pagpili sa mamumuno sa Siyudad at huwag na sana pang muling magkamali.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036