Advertisers

Advertisers

Efren Reyes Jr. Alam ang Ginagawa Bilang Direktor

0 26

Advertisers

Ni Oggie Medina

SABI ni batikang direktor Armando A. Reyes, alam daw ni Efren Reyes Jr. ang ginagawa niya bilang isang direktor, at iyan ang isang katangiang dapat tandaan upang magtagumpay sa larangan ng direksiyon sa mga pelikula.

Si Efren Jr. ang direktor at manunulat ng pelikulang Idol: The April Boy Regino Story, batay sa istorya ng nasawing singer na si April Bariso Regino, na nakilala sa kanyang mga kantang ‘Di Ko Kayang Tanggapin”, Umiiyak ang Puso Ko’t Sumisigaw”, at “Paano ang Puso Ko”.



Ang tatay pala ni Efren Jr. ay si Efren Ongpin Reyes Sr., na isang mahusay na aktor, direktor, manunulat at producer. Si Efren Sr. ang orihinal na gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula. Ang lolo ni Efren Sr., si Severino Reyes, ang sumulat ng Lola Basyang at gumawa ng sarsuwelang Walang Sugat.

***

KASAMA pala sa Water Plus Productions’ Idol: The April Boy Regino Story sina John Arcenas (bilang April Boy), Kate Yalung, Tanya Gomez, Rey PJ Abellana, Dindo Arroyo, Irene Celebre at JC Regino. Si Marynette Gamboa ang executive producer ng pelikulang ito.

Magkakaroon sila ng premiere night sa Nobyembre 22 sa Grand Duchess ng Great Eastern Hotel sa Quezon City. Sa Nobyembre 27 ang unang showing nito sa maraming sinehan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">