Advertisers

Advertisers

John sinagasa ang mga pagsubok sa pagganap bilang April Boy

0 17

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

KILALA na ni John Arcenas ang music icon na si April Boy Regino bago pa siya nag-audition para gampanan ito sa pelikulang IDOL (The April Boy Regino Story).

“Yes po,” umpisang lahad ni John, “actually yung tatay ko po kasi idol niya po talaga si April Boy before pa.



“Kaya nung nagsisimula pa lang po akong kumakanta, naririnig ko po lagi yung mga kanta ni April Boy.”

Ano ang pinakamahirap na ginawa ni John bilang si April Boy sa pelikula?

“Challenges po? Actually ano po, fact lang, nung nagsimula po kaming mag-film ng… mag-shoot po, bumabagyo.

“Iyon po yung kasagsagan ng bagyo, apat na araw po kami sa Laguna and then, bumabagyo.

“Lubog po yung Maynila tapos nasa Laguna po kami, and iyon po, ang lakas-lakas ng ulan, hindi po namin alam kung paano namin kukunan yung mga exterior scenes. Iyon po ang challenge, kasi habang bumabagyo yun po.”



Ano ang paborito niyang April Boy song and bakit?

“Paborito ko talaga yung Umiiyak na Puso kasi napakaganda ng mensahe ng kantang yun.

“At akala natin umiiyak… ang mensahe na yun ay para sa kasintahan niya o dati para sa babae, iyon pala sinulat niya yun para sa Diyos.

“Lalo na nung parang feeling niya tumalikod siya sa Diyos at sinabi niya na sinulat niya yung kantang yun dahil umiiyak yung puso niya dahil sa Diyos,” pahayag ni John.

Napanood na ni John ang kabuuan ng pelikula, na ipapalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 27.

Ano ang naramdaman niya matapos niyang mapanood ang buong pelikula?

“Nung nakita ko yung sarili ko sa screen sobrang grabe, una kong sinabi maraming salamat sa Diyos, kasi walang lahat na ito kung hindi dahil sa Diyos siyempre.

“At saka grabe, sobrang laki palang responsibilidad nung ibinigay sa akin dahil siyempre April Boy Regino ‘yan e, sino bang hindi nakakakilala kay April Boy?

“Kaya grabe, parang idinikit na siya sa pangalan ko, kaya nung nakita ko yung sarili ko sobrang saya ko, as in sobra.”

Mula sa Premiere WaterPlus Productions at Executive Producer na si Marynette Gamboa, unang lead role ni John ang IDOL (The April Boy Regino Story).

Sa direksyon ng character actor na si Efren Reyes, Jr., nasa pelikula rin si Kate Yalung bilang si Madelyn Regino na misis ng yumaong singer.