Advertisers
Ni Beth Gelena
NAALIW ang netizens sa bardagulan ng magkaibigang Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.
Nagpost kasi ang young actress sa kanyang social media account ng bago niyang scooter na binili at pinangalanan itong Baby Burgy.
Tinukso siya ng aktor at sinabing sesemplang siya kapag ginamit na niya ang scooter.
Hindi pinalampas ni Xyriel ang komento ng kaibigang actor.
Ani Xyriel sa kanyang post: “YES!!! ABOT KO OPO! Another big girl purchase. NEW BABY! BABY BURGY.” Dagdag pa niya, *Whenever I need to get away. I know I can count on.”
Komento ni Zaijian, “Nubayan parang sesemplang pa sa huli eh.”
Hindi naman nagpatalo si Xyriel at sinagot ang aktor ng, “@zaigj kwento mo sa semplang mo sa SCOOTER na laruan ew,” na lalong nagpasigla sa kanilang palitan ng asaran.
Nagpahabol naman ng banat si Zaijian, “@xyrielmanabat_ partner na lang kulang, pa riding in tandem ka na,” na lalong nagpakilig at nagpatawa sa kanilang mga tagahanga.
Naaliw ang followers sa kanilang bardagulan.
Sina Xyriel at Zaijian ay halos sabay na naging child star.
May mga pinagsamahan silang teleserye na swak na swak sa mga manonood kaya ang dami nilang supporters at followers.
Tanong naman ni Enchong Dee sa young aktres.
“VROOM VROOM san punta?”
“Airport po 7:20 ETA,” sagot niya.
Pinaalalahahan naman siya ni Gela Atayde, “IM PROUD OF YOU MY BABY GIRL BUT PLEASE BE CAREFUL!”
Sina Gela at Xyriel ay nagkahulihan ng loob nang magkasama sila sa Senior High at sa part 2 nitong High Street kung saan magkakaibigan sila ng lead actress na si Andrea Brillantes.
***
KATHDEN MASUNGKIT KAYA MULI ANG KANILANG TITULO NA FIRST EVER RECORD BREAKING MOVIE
PALAKAS nang palakas ang gross income ng ‘Hello, Love, Again’ nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Umaabot na ng more than half a billion ang earnings nito sa Philippine cinemas nationwide.
Ayon sa report ay naka-reach na ng P520M ang Hello, Love, Again as of November 18.
It also made it to the Top 10 current movies in the US, ranking 8th, and earning $2.4M nitong opening weekend lang.
Sa interview kina KathDen part of the earnings of their movie will be given to typhoon victims.
Pupunta ng US ang KathDen to meet their loyal fans who supported their movie.
Ang tanong makuha kaya ng KathDen ang nag-break ng first ever record nilang Hello, Love, Goodbye na unang series movie ng KathDen?
Naungusan kasi ng Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang first ever blockbuster na HLG dito sa Pinas five years ago.
***
KUYA BOY NAKULANGAN SA MISS U 2024
DERETSAHAN ang komento ni Boy Abunda hinggil sa Miss Universe 2024 na ginanap sa Mexico City, kamakailan.
Aniya “Parang kulang sa kinang.”
Hindi raw siya na-impress sa nasabing competition ng beauty pageant.
Sa isang Facebook Page ay may nagtanong sa King of Talk: “What are your thoughts about the recently-held Miss Universe?”
For Boy Abunda, this year’s edition of the pageant was not one for the books. Moreover, he questioned the Continental Crowns awarded to several queens, which included our very own Chelsea Manalo, who was awarded the first-ever Miss Universe Asia.
Lumabas sa GMA news ang opinion na ito ni Kuya Boy.
“Medyo naguluhan po ako ng kaunti. Even the presentation of the gown, medyo iniba nila. Parang ang feeling ko lang po, ay parang kulang sa brilyo ‘yung staging.”
Na-disappoint daw siya with how the competition unfolded overall. Palaisipan din daw sa kanya kung ano ang reason at explanation behind the awarding of the continental queens.
“Continental queen for Asia, queens for different continents. Ang tanong ko eh ‘what was that? Was that an afterthought na parang naisip nila para mas ma-engage ang different parts of the world? I didn’t get that whole awarding,” pakli ni Kuya Boy.
Ang Miss Denmark ang kinoronahang Miss U 2024, ang first ever winning ng bansa sa Miss U pageantry.