Advertisers

Advertisers

MAKAIWAS KAYA SA PAYOLA SINA COL. MALINAO JR. AT LTCOL. JOPIA?

0 1,107

Advertisers

HINDI kukulangin sa 35 indibidwal, karamihan ay mga barangay leader at mga maimpluwensyang personalidad ang nagpapatakbo ng operasyon ng ilegal na sugal at kalakalan ng droga sa Tanauan City. Hinding-hindi masawata ang operasyon ng mga ito dahil sa malaking payola, suhol o intelhencia na ipinamumudmod ng mga ilegalistang ito sa ilang matataas na opisyales ng kapulisan, National Bureau of Investigation (NBI) at ilang mga local government official.

Dekada-dekada nang tagong-hayag ang katotohanang ito na matagal na ring ibinunyag sa SIKRETA ng isang dating opisyal ng Batangas PNP Provincial Command.

Tagong-hayag ang kalakaran ng operasyon ng ilegal na sugal at bentahan ng droga sa siyudad ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes pagkat alam ng halos lahat sa sirkulo ng kapulisan sa Batangas PNP Provincial Police Office, PNP Region 4A Police Office hanggang sa Camp Crame Police Headquarters.



Sa kabila ng alingasngas ng pagkakaroon ng animo’y legal na operasyon ng illegal gambling at drug trade ay walang sinumang naging PNP Chief, mga PNP Regional at Provincial director at maging mga nagdaang police chief ng Tanauan City ang nakasupil sa talamak na daloy ng kalakalan ng sugal at shabu sa naturang lungsod.

Sang-ayon sa pagsisiwalat ng isang dating Tanauan City Police chief sa SIKRETA ay sa unang linggo pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang hepe ng naturang lungsod ay isang emisaryo ng mga drug trader ang nakipag-ugnayan sa kanya. Hatid nito ang alok na Php100K weekly mula sa sampung illegal drug financier sa Tanauan City.. Ibig sabihin ay tumataginting na Php1M kada isang linggo na extra income ang walang kahirap-hirap na sasahurin ng naturang police chief na darating na lamang sa kanyang lamesa tuwing araw ng Biyernes.

Bukod pa sa drug money ay may malaki ding payola na lingguhan pang tatanggapin mula sa isang alyas Ocampo na siyang kinikilalang enkargado ng mga Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng sa buong siyudad. Operator ng bookies sa Brgy. Bagbag si alyas Ocampo at siya ring nagpapatakbo ng sankaterbang sakla den sa iba’t ibang lugar ng siyudad. Siya rin ang nagpapatakbo ng operasyon ng kalakalan ng droga at bookies sa bayan ng Balete, Batangas.

Simula nang ipanganak ang jueteng at naging STL bookies ang operasyon nito pati na ang bentahan ng droga sa naturang siyudad ay iyo’t-iyon din ang mga operator-kundi man mga barangay official ay mga kilalang “barako” ang mga nag-ooperate nito sa may 48 na barangay ng nasabing siyudad.

Ito ang unikong dahilan kung kaya’t higit pa sa 35 lord ang nagpapagalaw sa lahat na kailegalan sa Tanauan City at posibleng kada isa sa 48 barangay ay may iba pang gumagalaw na multo ng STL at salyahan ng shabu.



Nagpapalipat-lipat na ng kamay, simula kay alyas Ocampo, alyas Kap Mike, Baduy alyas JR Biskutso hanggang sa babaeng drug pusher na si alyas Elnice ang naging pagador ng intelhencia, ay patuloy pa rin ang kaway ng milyones na intelhencia sa mga tiwaling pulis, iba pang awtoridad at mga local official.

Si alyas Elnice ang operator ng salyahan ng shabu at STL bookies sa mga barangay ng Santor, Sampiro, Pantay na Matanda, Pantay na Bata at iba pang barangay ng siyudad.

Mahirap tanggihan ang milyones na payola mula sa mga drug/gambling operator, kaya kung gaanong kahirap ang naging desisyon ng ating impormanteng ex-Tanauan City police chief na tanggihan ang alok na kung tutuusin ay malaking kayamanan ay walang dudang ito rin ang sitwasyon at kasalukuyang lagay ni Batangas PD Col. Malinao Jr. at LtCol. Jopia?

Ang iba pang kilalang Tanauan City gambling con drug pusher ay sina Dimapelis, alyas Kap Mike, alyas Kon Burgos, Cristy, Anabel. Lilian, Rodel, Montilla, Gerry Trapiche, Lawin, Gerry Tinurik, Ablao, Lito Putuhan, Ka Teryo at JR Biskutso na STL bookies at drug trader din sa bayan ng Calaca.

Sa palagay nyo mga KASIKRETA di kaya nasilaw na din sina Col. Malinao Jr. at LtCol. Jopia sa milyones na weekly “dirty money” katulad ng iba pang naging Batangas PD at police chief ng Tanauan City, kung kayat patuloy na namamayagpag ang gambling at illegal drug operation sa naturang siyudad? May karugtong. Abangan…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.