Advertisers

Advertisers

Ateneo, UST wagi sa UAAP boys’ basketbal

0 7

Advertisers

NAGREHISTRO si Zane Kallos ng triple-double upang ibigay sa Ateneo de Manaila University ang 74-65 wagi laban sa De La Salle -Zobel at patatagin ang kanilang semis bid sa UAAP Season 87 boy’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Center sa San Juan Miyerkules.

Kallos ay umiskor ng 25 points,20 rebound,at 10 assists para sa Blue Eagles, na nakarekober mula sa two-game skid at pantayan ang kanilang kalaban sa 5-6 para sa fourth place.

Sky Jazul nag-ambag ng 22 points, three rebounds at two steals habang si YC Lacsamana may seven points at 20 rebounds para sa Ateneo.



Vince Magan pinamunuan ang Junior Archers sa 22 points, four rebounds, at four assists sinundan ni Melvin Tailan ng 17 points at eight rebounds.

Samantala,Jhon Canapi kumamada ng 38 points,kabilang ang eight triples, para sa University of Santo Tomas na tinambakan ang Adamson University,82-65.

Kumana rin si Canapi ng six rebounds, five assists, at two steals para sa Tiger Cubs, na solo sa third place.

Nick Cabanero nagdagdag ng 14 points,nine rebounds,at eight assists habang si Miguel Jubilado nag-ambag ng 14 points, at six rebounds, three assists, at three steals.

Prince Banate nagtapos ng 13 points,13 rebounds,one steal, at one block para sa Baby Falcons.



Edison Jordan at Keefe Iledan umiskor ng tig-12 points, habang si Aurelio Fransman may 10.