Advertisers

Advertisers

Vilma umayaw sa movie na kasama si Juday pero umoo kay Nadine

0 17

Advertisers

Ni Jimi Escala

ISANG grandest mediacon ng “Uninvited” ang naganap last Wednesday sa Solaire Hotel.

Siyempre, present ang mga bidang sina Star for all Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.



Kasama pa rin sa movie sina Tirso Cruz III, RK Bagatsing,Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Mylene Dizon at Lotlot De Leon under the direction of Dan Villegas.

Ang bonggang presscon ay pinag-isipan ng Mentorque producer na si Sir Bryan, huh!

Ang “Uninvited” ay isa sa sampung entry para sa 50th Metro Manila Film Festival, huh!

Siyempre, ngayon pa lang ay may kanya- kanyang plano na ang iba’t ibang grupo ng Vilmanians sa pangunguna ng VSSI president na si Jojo Lim, huh!

Sa totoo lang, at the age of 71 ay napanatili pa rin ni Ate Vi ang kasikatan niya. Sabi nga, bukod tanging Ang Star for all Seasons ang sinasabing the only senior superstar in local cinema na hanggang ngayon ay may box office appeal pa rin at sumasabay sa young superstars both sa box office at best actress awards, huh!



***

SPEAKING of Ate Vi, sa nasabing bonggang presscon ng “Uninvited” ay ipinaliwanag ng grand slam queen-actress kung bakit mas pinili niya ang nasabing pelikula over sa Isa pang movie na pagsasamahan sana nila for the first time ng young superstar na si Judy Ann Santos, ang “Espantaho” na entry rin for 2025 MMFF, huh!

Pero tinanggap nman niya ang “Uninvited” na kasama si Nadine Lustre.

Paliwanag ni Ate Vi, wala raw talaga sa plano nila na ilahok sa festival ang “Uninvited “.

It so happen lang daw na naihabol nila ang movie.

Dagdag pa rin ni Ate Vi na sa mga nakaraang interview niya and every time na naitatanong niya kung may pelikula pa o particular role pa siyang nais gawin ay isang pelikula raw yun na magaganap lang in 24 hours.

Kumbaga, isang movie na nangyayari lang sa loob ng isang araw, huh!

Kaya, napa-oo siya sa “Uninvited“ plus yung walang pressure nang ginawa niya ang movie, huh!

Ayon naman sa producer na si Sir Bryan, hindi raw nila itutuloy ang movie kung hindi tinanggap ni Ate Vi ang pelikula, huh!