Advertisers
KULONG ang isang bading nang ireklamo ng tatlong beses na pangmomolestiya ng isang binata sa Malabon City.
Kinilala ang dinakip na si Joey Uñamayor, 45, ng 25 Roque St., Barangay Tonsuya, Malabon City.
Sa report, 10:00 ng gabi ng November 22, 2020 nang unang maganap ang pangmomolestiya ng bakla sa binata na itinago sa pangalang “Roger”, 21, dishwasher, ng Brgy. San Jose, Navotas City.
Natutulog umano ang biktima sa bahay ni Unamayor nang sapilitang binaba ng bading ang short ng binata saka pinagbantaan bago isinagawa ang pangmomolestiya.
Ang insidente ay nasundan pa ng November 28 ng gabi, at ang pinakahuli nitong December 12 ng madaling araw.
Dahil hindi na masikmura ng biktima ang ginagawa sa kanya ng bading, humingi na ito ng tulong sa tanod ng barangay, nagresulta sa pagkakaaresto kay Uñamayor.
Nahaharap sa kasong 3 counts ng acts of lasciviousness si Uñamayor.