Advertisers
Lumabas sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na ang nakatatandang kapatid o kuya ang aksidenteng nakabaril sa 7-anyos na bata sa Tondo, Maynila .
Sa ulat, nakita umano ng 13-anyos na binatilyo ang baril ng kanyang ama na isang pulis sa kanilang drawer.
Maari umanong napakialaman ng binatilyo ang 9 mm bereta na service firearm ng ama at sa ‘di malamang kadahilanan pumutok ito.
Unang tumama sa cabinet ang bala at tumagos ang bala sa kanilang silid kung saan tinamaan sa tagiliran ang biktima habang natutulog.
Taliwas sa naunang ulat, ang ama ng biktima ang siyang aksidenteng nakabaril.
Naitakbo pa sa ospital ang biktima nguni’t idineklarang dead on arrival.
Kasabay ng paghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang bunsong anak, nag-aalala rin ang ama sa kalagayan ng kanyang binatilyong anak .
Dahil sa insidente, posibleng maharap pa sa kasong administratibo at kriminal ang ama.(Jocelyn Domenden)