Advertisers

Advertisers

Inspection sa lahat ng negosyo sa Maynila, bawal ngayong Kapaskuhan – Mayor Honey

0 19

Advertisers

BAWAL ang anumang uri ng inspections ngayon sa lahat ng business establishments sa kabisera ng bansa ngayong Kapaskuhan, alinsunod sa utos ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Ito ang napag-alaman mula kay City Administrator Bernie Ang, na nagsabi na naglabas na siya ng memorandum sa lahat ng concerned city government units.

Ayon kay Ang, ang prohibisyon sa lahat ng inspection ay agad na ipinatutupad at sakop nito ang mga shopping malls kung saan naroroon ang mg stalls.



Nagbabala si Ang sa lahat na sasalungat o gagawa ng paglabag ng nasabing order agad na mapapatusahan, dahil ang utos ng alkalde sa nasabing bagay ay istriktong ipinatutupad.

Ayon kay Ang, ang order ay ibinigay ni Lacuna upang tiyakin na walang magagambala na mga negosyante na nag-o-operate sa Lungsod ng Maynila dahil aniya ngayon panahon lamang nagiging peak ang mga negosyo.

Idinagdag din nito na ang hakbang ay layuning pigilan ang mga Hindi kanais-nais na pagtatangka ng mga indibidwal na manggipit at mangikil sa mga business establishments sa pamamagitan ng pagpanggap bilangl inspector. Ayon kay Ang ang mga ganitong gawain ay talamak kapag ganitong holiday sa lahat ng sulok ng syudad.

Kaugnay nito, ay umapela si Ang sa lahat ng business establishment owners na iulat sa syudad ang lahat ng mga magpupunta sa kanila para mag- inspection purposes at kunan din nila ng litrato o video ang mga magsasagawa ng inspectio upang agad itong magawan ng kaukulang aksyon. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">