Advertisers
Panahon na naman po ng bolahan at utuan na kung saan 100 percent complete attendance ang mga kandidato na muling maki-kita niyo sa lahat ng mga gathering,venue at iba pang aktibidad.
Dyan na naman po ang iba’t ibang klase ng istilo ng mga ito tulad ng pakaway-kaway, pakamay-kamay,beso-beso at marami pang iba.
Lahat ng mga kandidatong ito ay may kanya-kanyang pamamaraan upang pukawin ang inyong damdamin tulad ng pamimigay ng kung anu-ano, pa-raffle pa-sayaw medical mission at kung anu-ano pa.
Pakaasahan pa natin ang marami pang biyayang darating galing sa mga politiko at kandidatong ito sa papalapit na Kapaskuhan at BagongTaon.
Ito na ang kanilang momentum at peak season upang sila ay mapansin ng mga botanre at kanilang mga constituents.
Siguradong allout at todo-todo na ang magiging taya ng mga ito dahil sa sila ay nakikipag-pustahan din at sumusugal sa isang laro na kapag sila ang nanalo ay bawit-sapul ang lahat at para silang tumama sa lotto.
Nandyan din ang siraan sa kanilang mga hanay,black propaganda at mga negatibong isyu na kanilang binabato sa isat-isa kung kayat kailangan ka ring maging matibay at matatag
‘Di kaila sa ating lahat, ang mga ito ay lehitimong mga sinungaling at may sariling interes sa kanilang nilahukang competition.
Kitang-kita naman natin ang pruweba na ang mga ito ay walang permanenteng kaibigan, magkaibigan ngayon kinabukasan ay mortal ng magkaaway, iyan ang politika
Kayat sa ating hanay naman na mga botante,muli tayong maging matalinong botante at hindi isang bobo-tante na uto-uto at madaling mabola.
Ating suriin mabuti ang mga track record ng ating kandidatong iboboto, pakiramdaman din kung ito ay may sinseridad at kung magiging dedikado kung sakaling mag-thumps
Huwag na rin nating pakaasahan ang’mga pangakong binitawan ng mga ito dahil iisa lang ang kanilang sasabihin” pinangakuan na kayo, gusto niyo pang tuparin”he he he… dahil mga lehitimong mga sinungaling nga sila
Bukod sa sinungaling ay may pag-kapiloso po rin ang mga ito dahil sa mga katagang ito na sila mismo ang nag-uso”hindi kayo mawawalan, hindi rin kayo magkakaron” tsk… tsk.. tsk…
Bilang pampalubag loob sa lahat ng mga botante at kanilang mga constituents’at para rin daw hindi masyadong indahin ang mga kasinungalingan at pinangakong kung anu-ano ito ang finale nilang binitawan “huwag kayong mag-alala at makakalimutan niyo rin ang lahat.”
Sa muli po tingnan at pakinggan ang kanilang plataporma at hindi puro porma. Panatiliin natin na tayo ay matalinong botante at hindi isang bobo-tante.