Advertisers
PATAY ang isang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) na mayroon kaugnayan sa Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon sa Payao, Zamboanga Sibugay
Kinilala ang nasawi na si Usman Zhassan alias Gang-Gang.
Ayon kay PNP Chief, Gen Debold Sinas, 3:00 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Sitio Masanang, Barangay Poblacion, Payao.
Maghahain ng warrant of arrest ang mga otoridad nang makatunog si Zhassan at paputukan ang papalapit na mga otoridad, dahilan upang mauwi sa engkwentro at napatay ito.
Nagsilbing facilitator si Zhassan ng KFR at ASG na nakabase sa Sulu.
Sangkot din si Zhassan sa pagdukot sa 3-anyos na apo ng isang mayor at empleyado ng isang bakery. Sangkot din siya sa pagpatay sa isang kidnap victim sa Zamboanga del Sur, at konektado sa Sabtal at Barahama Ali syndicate na nakabase sa Zamboanga Sibugay na sangkot sa KFR, Roberry, hold up, extortion at illegal drugs. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)