Advertisers

Advertisers

“It’s an opportunity of a lifetime na makasama ko sina Kuya Aga at Ate Vi” – Nadine

0 14

Advertisers

By Boy Romero

BUKOD sa pagkapanalo niyang Best Actress for “Deleter,” sa just recently concluded 39th Star Awards For Movies, isa pang malaking project ang nagawa ni Nadine Lustre. Ito ang “Uninvited” na kasama niya sina Vilma Santos at Aga Muhlach.

“Hindi pa tapos ‘yung page-explain ni Direk sabi ko, ”Direk tigil mo na” kasi I mean, kailan ko ba masasabi na nakatrabaho ko silang lahat in one film so syempre this an opportunity of a life time. So agad-agad tinanggap ko siya. I think in the beginning, first, siguro ‘yung first shooting day namin syempre dumating ako sa set. Kabado ako kasi nga bigatin ‘yung mga kasama ko and then everyone was so welcoming, everyone is so nice. Kuya Aga and ate V so mawawala talaga ‘yung kaba mo,” sabi ni Nadine.



Kakaiba ang role rito ni Nadine, it’s out of the box. She’s playing the role of Nicole, na isang masamang anak at may mga eksena pa siyang nagmumura sa kanyang mga eksena taliwas sa mga past movies niya na pa-tweetums lang.

“I had to step out of my comfort zone for this role Nicole and I are so different. She is wealthy, involved in bad habits, and has a complicated relationship with her dad. As for me, I”m pretty chill,” pahayag ng dalaga.

Aminado si Lustre na di ganun kadaling tanggapin ang role dahil nga daring ito, pero ito rin naman daw ang project na gustung-gusto niyang gawin.

“This is completely different from anything I’ve done before. People know me as the ‘the good daughter’ kind but strong. But Nicole is much more extreme. I wanted to show everyone that I am capable of so much more,” paliwanag ni Nadine.

“Uninvited” is an official entry to the 50th Metro Manila Film Festival, and it will be shown in cinemas nationwide on December 25.



Produced by Mentorque Productions – the makers of the most awarded Filipino horror movie of all time, “Mallari”, comes a remarkable cinematic milestone Filipino audiences can’t afford to miss Adding even more prestige, the film is distributed by Warner Bros. Pictures which also helped catapult last year’s MMFF in success. Joining the team is Project 8 Projects in their first collaboration with Mentorque.

Aside from Vilma, Aga, and Nadine, the cast include Mylene Dizon, Gabby Padilla, Lotlot de Leon, Nonie Buencamino, RK Bagatsing, Elijah Canlas, Ketsup Eusebio, Ron Angeles, Gio Alvarez, Cholo Barretto and Tirso Cruz lll.

Under the helm of Direk Dan Villegas

***

BONGGA ang concert ng grupong Magic Voyz na ginanap nung November 29, 2024 sa Viva Cafe.

Pinasaya, pinakilig at kiniliti ang audience. Pasabog at panalo sa opening number pa lang nila. Hataw na agad sa pagpapakita ng kanilang mga matitipunong katawan at sobrang saya ng mga manonood nang tinanggal nila ang kanilang pang-ibaba at underwear na lang ang natira..Sigawan, tilian at palakpakan ang audience.

Todo bigay rin ang grupo sa kanilang nga sumunod na sing and dance numbers.

Bale, pangatlong concert na nila yun sa said venue, pero ang pagkakaiba sa two previous concerts nila ay may kasama silang banda ngayon, kaya nakakanta sila nang live. At may boses sila, huh! Na ayon sa kanila, ideya ng kanilang manager na si Lito de Guzman ang pagkakaroon ng band sa kanilang concert.

Siyempre hindi maiwasan na maikumpara sila sa Maskulados, pero wala naman daw problema run. Idol nila ang said male group, pero gusto raw nilang makilala sa sarili nilang identity, ayon sa miyembrong si Mhack Morales.

Bukod kay Mhack, ang iba pang miyembro ay sina John Mark Marcia, Juan Pablo Calma, Rave Obando, Jace Ranos Ian Briones, Asher Diaz at John Stane.

Maliban sa concert, naka 2-singles na rin sila, ang “Huwag Mo Akong Titigan” at “Bintana.” Out na rin soon ang kanilang 3rd single, ang “Tampo.”

Alam namin na malayo ang mararating ng Magic Voyz dahil bukod sa kanilang good looks, matitipunong katawan, oozing sex appeal, higit sa lahat ang kanilang talentong taglay ang pinakamabisang sandata nila para magtagal sa showbiz.