Advertisers
Ni Archie Liao
NABA-bash ang ex ni Carlo Aquino na si Trina Candaza ng kanyang mga nag-aampalayang detractors.
Patuloy kasing lumalago ang negosyo ang dating dyowa ng aktor at ina ni Mithi.
Bukod sa nakaka-afford na ito ng medyo kumportableng lifestyle ay nakakapag-travel na rin ito.
Dahil dito, naiintriga siya ng mga pa-savage na diumanoý may sugar daddy kaya nasusunod daw nito ang luho.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Trina ang numerous blessings na natanggap niya sa 2024.
Aniya: “2024 has been a year of lessons—some easy, others not so much. Grateful for every single one.”
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa netizens.
May mga pumuri sa tatag ng loob ni Trina na buhayin as a single parent ang kanyang anak.
Ito ang ilan sa nilang mga komento.
“You deserve it Mommy Trina! God provides to all super moms! More blessings po! ??????”
“Proud of you, ang sarap iflex ang success at hardwork but be careful because ang dami inggit, minsan hindi sila happy sa success ng iba at tinutulak sila pababa. And look what happened to neri.”
“God bless you always Trina and Mithi more blessings to come ??????”
“I always admire your resilience despite your circumstances ???? Keep going, you are doing amazingly well and mithi will one day thank you for standing strong and not giving up ?? God bless you trina”
Isa namang netizen na may IG handle na @jacklynne ang nagsabing tama lang ang kanyang pagpo-post ng viral reel para ipamukha sa bashers nito na marangal na iginagapang ni Trina ang pagpapalaki sa kanyang anak.
Ani @jacklynne: “Tama ‘tong post na ‘to para makita ng mga haters na hindi dahil sa rumored BF mo kaya mo na-afford lahat. I know you’re better than those rumors. I look up to you as a single mom din.”
Sumagot naman si Trina na wala siyang dyowa o sugar daddy na nagsusustento sa kanyang mga pangangailangan contrary to rumors.
Sey ni Trina: “@jacklynne I’ve heard the rumors about me nga. Pero no, I’m not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter. I fully understand that there will always be assumptions from other people—and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it.”