Advertisers

Advertisers

‘PEOPLES CHAMP’ MANNY PAQUIAO, NAKAHANDANG TUMULONG SA HINAING NG MGA OFWS SA DUBAI

0 55

Advertisers

NAKAHANDANG tumulong sa abot ng kanyang makakaya ang ‘Peoples Champ’ dating senador Manny Paquiao sa mga overseas filipino workers o OFWs makaraang marinig ang kanilang mga alalahanin at ipakita ang suporta sa kanilang pagsusumikap at sakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Sa pagbisita ng boxing legend sa Winter Night Market sa Deira Dubai, pagkatapos nitong magtungo sa Game 1 at Game 2 ng Maharlika Pilipinas Basketball league at mga serye ng mga kaganapan kasama ang mga opisyal ng Dubai sports, ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makipagkita sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa UAE, lalo na ang mga nasa Deira, isang lugar na kilalang dinarayong pamilihan at masiglang pamayanang Pilipino.

Nakibahagi si Pacquiao sa pakikipag-usap sa mga pinoy workes at tinanong sila tungkol sa kanilang mga hamon at karanasan sa rehiyon. Maraming OFWs ang nagbahagi ng kanilang mga alalahanin tungkol sa katatagan ng pananalapi, pag-access sa pangangalagang pangkalusugan, at balanse sa trabaho.



Nauunawaan ni Pacquiao kung gaano kahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay at nais ng dating senador na marinig ang mga hinaing ng mga kababayan upang gawin sa abot ng makakaya ang makatulong na mapabuti ang sitwasyon ng mga ito sa ibang bansa.

Binigyang-diin din ni Pacquiao ang kahalagahan ng tamang legal na suporta at edukasyon para sa mga OFW, upang matiyak na alam nila ang kanilang mga karapatan. (JOJO SADIWA)