Deadline sa 20% discount sa RPT, ipinaalala ni Mayor Honey
Advertisers
NAGPAALALA si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod na ang deadline para makakuha ng 20 percent discount sa real property tax payments ay sa December 10, 2024 o Martes sa darating na linggo. Sinabi pa na alkalde na ang nasabing deadline ay ‘di na palalawigin pa
Kaugnay nito, sinabi ni Lacuna na ang mga kawani ng City Treasurer’s Office sa ilalim ni Jasmin Talegon at papasok sa kanilang trabaho sa Sabado, December 7, 2024. Ito ay upang ma-accomodate ang mga hahabol sa deadline pero Sabado lang ang libreng araw para makapagbayad.
Ayon kay Talegon, ang CTO ay bukas mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. kung saan ang mga real property taxpayers ay maaari pang makapag-avail ng 20 percent discount para sa tax year 2025.
Ayon pa kayTalegon, maaaring magbayad sa pamamagitan ng pagpunta ng direkta sa Taxpayer’s Lounge sa Manila City Hall o sa pamamagitan ng Go Manila App.
Muli ay pinayuhan ni Lacuna ang publiko sa schedule ng discounts para sa real property tax sa taong 2025 kung saan ang advance payments ay maaring gawin ng property owners sa Maynila hanggang December 10, 2024 para makakuha ng 20 percent discount.
Samantala, ang mga payments na gagawin mula December 11 hanggang 29 ay may nakalaang 15 percent discount para sa mga property owners habang ang prompt payments naman mula January 1 hanggang 31, 2025 ay may 10 percent discount para sa taxpayers.
Pinayuhan ng lady mayor ang lahat ng property owners sa Maynila na samantalahin ang nasabing diskwento para sa kanilang obligasyon sa buwis.
“Be reminded though, that only accounts without delinquencies will qualify of the said discounts,” pahayag ng alkalde.
Para naman sa mga updated accounts, maaari lang gawin ang pagbabayad sa online sa pamamagitan ng Go Manila app o www.gomanila.com, habang ang mga may delinquent accounts ay maaaring magbayad sa pamamagitan ng over-the-counter transactions sa E-BOSS center sa Manila City Hall. (ANDI GARCIA)