Advertisers
Ni Archie Liao
ANG National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee ang maituturing na pinaka-star ng “Isang Himala” na kalahok sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival.
Kung hindi kasi dahil sa kanyang matabang utak o imahinasyon ay hindi mabubuo ang klasikong pelikulang “Himala” na pinagbidahan ng Superstar at kapwa National Artist na si Nora Aunor noong 1982 na iprinudyus ng Experimental Cinema of The Philippines.
Ang pelikula ay idinirehe ni Ishmael Bernal at naging kalahok sa 1982 Metro Manila Film Festival.
Ito rin ang kauna-unahang Pinoy film na nakasama sa competition section ng 33rd Berlin International Film Festival.
Ito rin ang itinuturing na isa sa greatest Pinoy films of all time.
Dahil sa tagumpay at critical acclaim nito ay ginawan ito ng musical adaptation sa teatro noong 2018 and 2023.
Sa mediacon ng Isang Himala, “why not?” ang naging sagot ng multi-awarded screenwriter kung bakit pa kailangang i-remake at ikuwento ang istorya ni Elsa sa makabagong panahon.
“Ako, ang feeling ko, itong ginagawa ko para siyang tribute doon sa 1982 film na ginawa namin at natuwa ako na ginawa siya nina Pepe. Nagkaroon ako ng feeling na parang iyong classic Himala na nanganganak siya ng iba’t ibang bersyon,” aniya.
Para sa isang writer, masayang makita na iyong trabaho mo natra- transform into different mediums. Naging musical, naging stage play, naging libro. Hopefully maging graphic novel din siya. Ganoon siya ka-rich, ” ayon sa Pambansang Alagad ng Sining.
Sa posibleng maging reaksyon naman ng namayapang direktor na si Ishma sa bersyon nila kung sakaling nabubuhay ito, ito ang kanyang naging tugon.
“I think matutuwa si Bernie. Maa-amuse siya knowing Bernie as a friend. Macha-challenge siya na iyong trabaho niya noon nanganganak ng ibang bersyon. Mahilig si Ishma sa diskurso. Nai-imagine ko na sa sabihin niya: ‘Sige nga, tingnan natin’ not condescendingly.”
Noong ginawa namin ang movie noong 1982, minimalistic siya. Iyong kay Pepe noong nag-present siya ng kanyang vision, it’ s more of expressionistic. Musical na siya expressionisic pa, so definitely ibang klase. He was being faithful sa original and at the same time being unfaithful kung may ganoon man. Nakita ko kasi iyong essence na nandoon pa rin. I don’t think matutuwa rin rin siya (Bernal) kung gagawa kami ng kinopya lang o naging clone ng original that’s why he would condescend. Kung nakita niya iyong original na nanganganak ng isang maipagmamalaki niya o namin, I think matutuwa siya at baka bumangon pa siya,” deklara niya.
Ayon naman sa 2023 MMFF director na si Pepe Diokno na nagdirehe ng pelikula, iba raw ang naging treatment o atake niya sa pagtalakay sa kuwento ng faith healer na si Elsa at ng mga residente ng Barangay Cupang sa kanyang bersyon.
“It’s a different take on the story of Elsa, told powerfully with wonderful performances. Nothing will replace Ishmael Bernal, Nora Aunor or Sir Ricky Lee. I think, it’s a timeless classic that needs to be revisited,” bulalas niya.
Pinagbibidahan ito ng singer-actress na si Aicelle Santos.
Mula sa produksyon ng Kapitol Films, Creazion Studios at UXS, Inc., kasama rin sa cast sina Bituin Escalante, Floyd Tena, David Ezra, Kaki Teodoro, Neomi Gonzales, Vic Robinson at marami pang iba.