Advertisers

Advertisers

Julia ‘di nag-inarte nang mapako sa eksena sa’Topakk’; Rico tikom sa romansang Maris-Anthony

0 14

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAHAWA na nga yata si Julia Montes sa kanyang boyfriend na si Coco Martin, na laging binibigay ang best sa mga buwis buhay scene nito sa mga ginagawang proyekto.
Paano ba kasi, napako pala ang dalaga sa shooting ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde. Isa ang naturang pelikula na entry sa MMFF 2024.

Kwento niya, napako ang tuhod niya sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig.



At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw niya ang eksena.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meet-up namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay,” sabi ni Julia.

Nahihiya naman daw siya ipa-cut ‘yung eksena para sabihin na napako siya. Ang ginawa na lamang daw niya ay nung hindi na nakatutok sa kanya ang kamera ay hinugot na lang niya yung pako sa tuhod niya.

Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos no’n.

Nalaman daw naman ni Coco ang nangyari at naging proud ito sa kanya. Lagi rin daw siya tinuturuan ng aktor tungkol sa safety tips.



Ang Topakk ay mula sa Nathan Studios at showing na sa December 25. Mula ito sa direksyon ni Richard Somes

***

NANANATILI pa ring tikom ang bibig ni Rico Blanco sa gitna ng kontrobersyal na kinasasangkutan ng kanyang ex-girlfriend na si Maris Racal at Anthony Jennings.

Dedma lang talaga si Rico dahil abala siya sa kanyang gigs na base sa kanyang latest IG post.

“Some snaps from the last 10 days. Thank you Alaminos, Cainta, Bulacan, Manila. Up next @howlersmanila. See you on Saturday,” caption niya.

O di ba, instead na mag-post ng kanyang reaction sa isyu ng kanyang dating minamahal at ni Anthony ay hindi niya ginawa? Nagpo-post lang siya ng kaganapan sa kanyang career.

Ibinahagi rin ni Rico sa kanyang IG Story ang post ng kanyang fan na nagpapaabot ng todo support sa kanya.

Ang caption diyan ng batikang singer, “Mahal ko kayo [red heart emoji]”

Sa comment section, may mensahe sa kanya ang kanyang mga tagahanga/netizens kaugnay ng kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Maris at Anthony.

Narito ang mensahe ng mga netizen para kay Rico.

“ILOVEYOU RICO!!!! HINDI MO DESERVE LOKOHIN NG HITO NA YON [crying face emojis]”

“God saved you from the wrong person [smiling face with blush emoji]”

“A true gentleman chooses silence and peace over chaos, not because he feels less, but because he values his dignity more than his heartache. You’re indeed a dying breed @ricoblanco100 Moving on is not about forgetting; it’s about freeing yourself.”

“Dodged a bullet right there. We love you, Rico!”

“You’re such a gentleman [clapping hands emoji] you never said anything to ruin her or her career. But karma was so fast!”