Advertisers

Advertisers

Benepisyo sa ipinerwisyo ng bagyo, inaksiyonan ni Rep. Yamsuan

0 17

Advertisers

SANA, bago matapos ang 2024, mapirmahan na ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na iniakda ni Bicol Saro partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan.

Nakita kasi ni Rep. Yamsuan ang malaking pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ng dalawang magkasunod na bagyong ‘Kristine’ at “Leon,’ at alam natin, lagi tayong binibisita ng bagyo, kada taon.

Sa report ng Department of Agriculture (DA), P5.75 bilyon ang pinsala sa kabuhayan at hanapbuhay na dala ng bagyong ‘Kristine’ na nagpapahirap ngayon sa kabuhayan at hanapbuhay ng mahigit sa 131,661 na magsasaka at mangingisda.



Agad na nadama ni Rep. Yamsuan ang mabilis na tulong, ng agad-agad na malasakit, at tugon sa hawak niyang House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, kailangan ang isang batas na titiyak na mabilis na hakbang para mabilis na maka-recover ang mga manggagawang bukid at mangingisda sa buong bansa.

Salamat sa tulong ng Senado, ang panukala ni Kinatawan Brian na amyenda sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay inaprubahan.

Pinagtibay na pondohan ng P30 bilyon ang tulong sa mga magsasaka na dati, P10 bilyon lang ang alokasyon.

Wow, at alam nyo ba, mahigit sa 2.4 milyong maliliit na magsasaka na nagbubungkal lamang ng mababa sa dalawang ektarta ay makikinabang sa panukala ni Rep. Yamsuan.

Buo ang pag-asa niya, sa panayam ng media, magiging epektibong instrumento ang pag-triple ng alokasyon sa mga magsasaka na iginupo ng bagyong ‘Kristine,’



Hindi pababayaan ni Rep. Yamsuan ang kapakanan ng mga mangingisda — na makikinabang ang mga namamalakaya sa Manila Bay na taga-Paranaque City at maging sa buong bansa.

Itinutulak niya na maipasa ang proposal na Pantawid Pambangka Program, na magbibigay ng P1,000 monthly fuel sa mga maliliit na namamalakaya sa local government units (LGUs).

Alam ni Yamsuan, hindi madali ang pagbangon ng mga mangingisda na pinerwisyo ng bagyong ‘Kristine,’

Kaya, panukala niya, gawing tuloy-tuloy at palagian ang sustentong tulong sa mga magsasaka at mamamalakaya.

“This is a continuing process that requires sustained funding and assistance to our farmers and fisherfolk,” sabi ni Rep. Yamsuan.

Paano ito gagawin, ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pambangka Program ay otomatik na miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Eto pa ang dagdag na tulong sa panukala ni Rep. Yamsuan: magkakaloob ang Security System (SSS) ng micro-insurance mechanisms sa mga benepisyaryo.

Basta sa kapakanan ng sektor ng mangingisda at magsasaka, maaasahan si Rep. Yamsuan, at alam nyo ba, maraming tulong ang naipamimigay sa mga residente ng Paranaque nitong Bicol Saro partylist.

Panahon na nga, sabi ng mga residente ng lungsod na maging regular na representante nila si Yamsuan nang ganap na matutukan ang kapakapan nila.

Alam kasi ni Yamsuan ang hirap na dinaranas ng mga kalungsod niya, kasi nga, maalam siya at damang-dama ang nasa puso at isip ng mahihirap.

Sa next kolum, ating tatalakayin ang mga kasalukuyang proyekto ni Rep. Yamsuan na makikinabang ang mga taga-Paranaque City.
***
Kamay na bakal laban sa matatakaw na Oligarkiya, wala tayo niyon; kamay na bakal laban sa korapsiyon, kinalawang na yata; kamay na bakal laban sa mga tiwali sa gobyerno, kinalawang na rin yata.

Opo, dear readers, ito ang wala sa atin, at tanggapin natin, kahit ayaw ng mga galit kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, may nakita tayong malaking pagbabago pagkat naipakita niya ang paggamit ng Kamay na Bakal laban sa mga tiwali sa gobyerno at binangga ang malalaking oligarko.

At ngayong si PBBM na ang may hawak ng renda ng gobyerno ay inaasahan natin na sa loob ng susunod na apat na taon, nais nating makita ang Kamay na Bakal ng ninanais nating pagbabago.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.