Advertisers
Walang pangingimi ang isa naming tagasubaybay sa kanyang kahilingan na kasuhan umano ang kanilang Mayor, Vice Mayor at Hepe ng kapulisan sa Biñan City, Laguna sa umanoy pananahimik ng mga ito at koneksyon nila sa iligal na sugal na “color games at drop ball baraha” na nagsulputan sa ibat-ibang barangay sa lungsod.
Nanawagan din ang aming avid reader na panindigan ni Mayor Atty. Walfredo “Arman” Dimaguila at Vice Mayor Angelo “Gel” Alonte ang pagpapahinto sa gabi-gabing operasyon na inaabot ng madaling araw kung totoong walang kinalaman ang mga ito sa sa diumanoy P2.2 milyon payola mula sa isang Judith na diumanoy bigtime na gambling operator.
Sa kanyang text, nanawagan ito kay DILG Sec. Jonvic Remulla, na sampahan ng kasong administratibo ang mga nabanggit na government officials dahil sa posibleng pangungunsinti diumano ng mga ito na mag-operate ng sandamakmak na sugal sa kanilang nasasakupan.
Hindi lang pala ang pahayagang ito ang nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan sapagkat maging ang payak na mamamayan ay tumutuligsa din sa di pag-aksyon ng kanilang mayor at vice mayor maging ang hepe ng kapulisan na si PLtCol Jonathan Robert Rongavilla kaya hiniling nila kay Sec. Remulla na kasuhan maging ang mga tiwaling kapitan ng Barangay Timbao, Barangay Sto Thomas at Barangay Sto Domingo kung saan hayagang ang iligal na sugal partikular sa tapat mismo ng Biñan Elementary School ang hindi bababa sa 10 lamesa ng color games at drop ball baraha.
Sinabi din ng aming mga taga subaybay na ang nabanggit na bigtime na gambling operator na alyas Judith ang isa umano sa mga supporter noon ni Mayor Dimaguila noong nakalipas na halalan.
Kaya pala matibay!
Sinabi din ng ilang residente sa nabanggit na mga barangay imbes na ilayo umano nina Mayor Dimaguila at Vice Mayor Alonte ang mamamayan ay mistulang itinutulak pa para malulon sa bisyong sugal ang perang pinaghihirapan ng mamamayan.
Kung ating pagbabasihan ang hinaing ng mga taga Biñan, Laguna malinaw pa sa sikat ng araw ang pagpapabaya at paglapastangan sa Presidential Decree 1602 o anti-illegal gambling as amended by Republic Act 9287 dahil sa hindi pag-aksyon ng mga ito na sugpuin ang iligal na sugal na matagal ng inerereklamo sa munisipyo at police station ng simbahan at mga namamanata.
Saganang akin, naniniwala ako na hindi matutuldukan at maaksyonan ni Mayor Dimaguila, Vice Mayor Alonte at PLtCol Rongavilla ang magdamagang sugal sa laki ba naman ng TIMBRE? Mismo!.
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.