Advertisers
Sa pakikipagtransaksiyon sa QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT (QCRTC) ay pinag-iingat ang mga kapamilya ng mga preso o PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) dahil may mga FIXER na nagpapakilalang TRUSTED daw ang mga ito ng mga JUDGE at sila ang taga-ayos kung gustong mapawalang-sala kapalit ng lagay-system o pera-pera.
Ang ganitong sistema ang modus-operandi raw ngayon ng mga FIXER SA QCRTC.., yun nga lang e hindi natin alam kung may kinalaman nga ba ang ilang JUDGES sa pagsasagawa ng JUSTICE FOR SALE o kaya ay FREEDOM FOR SALE hehehe kaya siguro e may mga nagsisitungo sa QCRTC na sinasalubong ng FIXERS at prangkahan sa pakikipagtransaksiyon.., na ang ilan sa FIXERS ay nagpapakilala pang sila ay JUDGE at sa halagang P200,000 ay kaya niyang mapalaya ang presyong kaniyang nililitis wow tindi!
Ang siste ay mayroong nagsumbong sa tanggapan ni CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) CHIEF BGEN. NICOLAS TORRE III at ipinaring sa celfone ang naging pakikipag-usap nila sa nagpakilalang JUDGE umano ng QCRTC at nanghihingi ng pera para sa mabilis ang paglaya ng kapatid sa kasong robbery homicide.., na ang kapatid nito na nakakulong sa PAYATAS, QC JAIL ay sangkot umano sa pamumugot at pagpatay sa isang security guard sa isang car showroom sa EDSA BALINTAWAK noong December ng nakaraang taon at nitong November 29 isinagawa ang arraignment ng kaso.
Ilang araw noong matapos ang arraignment ay may tumawag sa pamilya ng PDL na nagpakilala raw na JUDGE at 3 options ang pamimilian na ang una ay puwedeng aminin ang krimen at makukulong ng 29-taon; ang ika-2 ay mag-cash bond ng P200,000 at ang 3rd option ay hahatulan ng death sentence.., siyempre pa ay pinili ng pamilya ang magbayad ng P200,000 yun nga lang ay wala agad silang maipambayad dahil wala pa silang pera.
Sa nasabing transaksiyon ay hindi umano JUDGE ang kausap ng pamilya ng PDL dahil hindi umano ganun magsalita ang JUDGE ayon kay BGEN. TORRE at sa pagpapaliwanag naman ni ATTY. ARIEL INTON ay isang uri umano ito ng SCAM dahil may kasangkot umanong JAIL PERSONNEL dahil hindi basta malalaman ang kaso ng isang tao na aniya ay hindi tsumatsamba ang SCAMMERS kundi pinag-aaralan nila ang mga ito na ang bumubuo riyan ay ang ilang tiwaling personnel sa bawat piitan.
Mga ka-ARYA.., dapat ang lahat na magtutungo sa QCRTC ay dapat pag-ukulan at basahin ang nakapaskil sa labas ng QCRTC BRANCH 87 hinggil sa babala kaugnay sa mga nagpapanggap na tauhan ng Korte para makahingi ng pera kapalit ng pagdismis sa kaso at nakasaad din sa nasabing circular ang paalala ng Korte na lahat ng komunikasyon ay dumadaan sa official hotline at email address ng korte.., ika nga, ang mga JUDGE at COURT PERSONNEL ay hindi personal na nakikipag-usap patungkol sa resolusyon ng kaso.., na kung may ganitong pangyayari ay inaanyayahan ang sinuman na magsumbong sa law enforcement o kaya ay sa Korte mismo.
Hinggil sa isyu ay natukoy na umano ng CIDG ang numero na tumawag sa pamilya ng PDL at napag-alamang ang numero ay ginamit na rin sa iba pang scam.
Bunsod nito ay may sasampahan nang kaso ang CIDG na 3-kataong pinaniniwalaang sangkot sa scam na gumagamit sa pangalan ng mga JUDGE sa QCRTC.., na dapat ay mabunyag ang pangalan ng mga ito sa oras na sila ay maaresto upang magsilbing leksiyon sa mga umaaktong QCRTC FIXERS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.