Advertisers

Advertisers

After sumikat ang ‘Tala’ Sarah may pauso ulit na dance craze

0 271

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS gumawa ng kasaysayan ang kanyang viral dance craze na Tala noong nakaraang taon, muli na namang humataw ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa music video ng kanyang latest endorsement.

Bilang endorser ng Hanabishi, patok ang kanyang Praktikal na Kapartner music video sa lahat ng social media platforms.



Katunayan, may hamon at pa-dance challenge ang singer-actress ngayong Kapaskuhan.

Kahit panahon ng pandemya, naniniwala kasi siyang dapat may rason pa ring ipagdiwang  ang Pasko ng bawat pamilyang Pilipino na hindi nakukumpromiso ang kalusugan.

Dahil dito, inilunsad ang kanyang G na G Hanabishi dance challenge.

Sa saliw ng jingle ng kanyang music video, inaanyayahan ang lahat na sumali at gumawa ng kanilang dance video para sa kanilang Facebook, Instagram o Tiktok accounts.

Ang pakontes na ito ay open sa individuals, couples at grupo.



Ang video ay dapat may habang 30 hanggang  60 segundo.

Puwedeng sundin ang choreography sa video o gumawa ng sariling interpretasyon ang contestants.

Ang mga mapipili ay mananalo ng bonggang home appliances mula sa Hanabishi.

Ang dance challenge ay tatakbo mula Disyembre 9 hanggang 28, 2020.

Ang mga magwawagi ay iaanunsyo sa Disyembre 30, 2020.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang

Hanabishi Offficial Facebook page.

***

Gold Azeron waging best actor sa PPP4

Inihayag na ng Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng hepe nitong si Liza Dino-Seguerra ang mga nagwagi sa ikaapat na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na may temang SamaAll ngayong taon.

Wagi bilang best actor si Gold Azeron para sa CinemaOne Originals movie na Metamorphosis.

Panalo naman bilang best actress ang Japanese actress na si Hana Kino para sa pelikulang Come On, Irene.

Itinanghal na best picture ang QCinema movie na Cleaners na nagwagi rin ng best director trophy para kay Glenn Barit.

Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.

BEST PICTURE

Cleaners

BEST DIRECTOR

Glenn Barit (Cleaners)

BEST ACTRESS

Hana Kino (Come On, Irene)

BEST ACTOR

Gold Azeron (Metamorphosis)

BEST SUPPORTING ACTRESS

Gianne Rivera (Cleaners)

BEST SUPPORTING ACTOR

Henyo Ehem (The Highest Peak)

BEST SCREENPLAY

Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)

BEST PRODUCTION DESIGN

Alvin Francisco (Cleaners)

BEST CINEMATOGRAPHY

Emmanuel Liwanag (He Who Is Without Sin)

BEST SOUND DESIGN

Arbi Barbarona (The Highest Peak)

AUDIENCE CHOICE AWARD (Short Film)

Night Shift

AUDIENCE CHOICE AWARD (Full-length Film)

He Who Is Without Sin

SPECIAL CITATION

Leomar Baloran, Julian Narag,  and Carlo Mejia – Cleaners

SPECIAL JURY PRIZE

Elijah Canlas – He Who Is Without Sin

SPECIAL JURY PRIZE FOR FILM

Metamorphosis